outbrain

Magka-live in na ba sina Angel Locsin at Neil Arce?

By Reggee Bonoan March 31,2020
share this

Magka-live in na ba sina Angel Locsin at Neil Arce?

By Reggee Bonoan March 31,2020 - 05:52 PM

UMABOT na sa mahigit 10K views ang live video na ipinost sa social media ng film producer na si Neil Arce makalipas lang ang dalawang oras.

Dito mapapanood si Neil habang ginugupitan ng fiancée niyang si Angel Locsin.

Base sa kuwento ni Neil, hindi siya makapagpagupit dahil nga sa enchanced community quarantine at wala ring bukas na barber shop.  Good thing marunong maggupit ng buhok ang mapapangasawa niyang aktres.

“Home quarantine tayo so hindi ako makapagpagupit ng buhok, one of the perks na kung saan kami nakatira, may kapitbahay po akong barber. So pumunta ako sa bahay ng kapitbahay ko para magpagupit, ‘ready na ako,’” sabi ni Neil.

Siya namang labas ni Angel galing sa kuwarto sabay dialogue ng, “Game.”

“Eto na siya, gugupitan na niya ako guys, ikaw na ang bahala, ha?” sabi ni Neil sa kanyang future wife.

Naaliw kaming panoorin ang video dahil tinuturo ni Neil na dapat sa side muna ang ahitin ni Angel gamit ang razor, pero ang gusto ng aktres ay sa mula sa ilalim, pataas. 

“Ikaw na bahala,” nasabi na lang ni Neil.

Pero sinunod din naman ng aktres ang request ng kanyang future husband sabay sabing, “Basta walang bawian ng singsing ha?”

In fairness marunong namanh gumamit si Angel ng razor at makinis naman ‘yung gupit niya, kaya sabi ni Neil, “May future ka na, hindi na tayo magugutom. Puwede ka nang maging parlorlista.”

At dahil napadaan malapit sa kilay ang razor ay nagsabi agad si Neil ng, “’Wag ‘yung kilay ko ha.”.Natawa naman ang aktres, “Sorry.”

“Guys tawag po kayo sa barangay kapag hindi ninyo na ako nakita in two days dahil may ginawa sa akin ‘to,” birong sabi ni Neil.

Ang daming pumuri sa aktres dahil kahit hindi nagsuklay at itinaas lang ang buhok ay super ganda pa rin. Sabi ni Neil, “Wala siyang tiwala sa akin, sabi ko gugupitan ko siya ng buhok, ayaw niya.”

Sagot naman ni Angel, “Buhay ko puwede kong ipagkatiwala sa ‘yo, pero ang buhok ko, ewwww!”

Sabi naman ng ilang nanonood sa video ay hindi pantay ang buhok sa tuktok ni Neil, at napansin din ito ng binata, kaya tawa nang tawa si Angel, “Bakit ba kasi ayaw mo pang magpakalbo?”

Tila nag-isip naman si Angel kung paano ang gagawin sa buhok sa likod ng binata habang natatawa siya. Kaya ang tanong ni Neil, “Anong nangyayari?”

Tumatawang sabi ng aktres, “Natodo ko ‘yung sa likod (nataasan ng ahit).”

“Nauka raw ‘yung likod! Trust her with your life but not with your hair,” saad ni Neil.

Pero siyempre wala na siyang magawa kaya kahit anong itsura ng paggupit ni Angel ay okay na sa kanya dahil ganu’n daw niya kamahal ang mapapangasawa.

Samantala, maraming nagtanong kung live-in na ang dalawa dahil sa loob ng bahay ni Angel nagpagupit si Neil.

Sa pagkakaalam namin ay may sariling bahay si Neil sa building kung saan nakabili ng malaking unit si Angel several years ago.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending