Ai Ai nagmakaawa kay Joy Belmonte: Ibigay n'yo na ang tulong para hindi na sila mag-rally | Bandera

Ai Ai nagmakaawa kay Joy Belmonte: Ibigay n’yo na ang tulong para hindi na sila mag-rally

Ervin Santiago |April 01,2020
facebook
share this

Ai Ai nagmakaawa kay Joy Belmonte: Ibigay n’yo na ang tulong para hindi na sila mag-rally

Ervin Santiago - April 01, 2020 - 04:15 PM

AI AI DELAS ALAS

NAGMAKAAWA na ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sana raw ay mabigyan ng mabilis na aksyon ni Mayor Joy at ng iba pang local officials ang reklamo ng mga residente sa ilang barangay sa Q.C., lalo na yung mga hindi pa rin nabibigyan ng relief goods hanggang ngayon. 

Ito’y kasunod nga ng nangyaring riot sa pagitan ng mga sundalo at ilang taga-Quezon City na nag-rally sa kalye para manawagan na mabigyan na sila ng pagkain dahil gutom na gutom na sila.

Mensahe ni Ai Ai, “Mayora at mga officials ng QC… Ibigay niyo na para di na sila mag rally bukod sa kawawa naman na sila walang makain magkakahawaan pa yan kasi lumalabas. 

“Isa tayo sa madaming may covid-[19]. Please naman, salamat po,” sabi pa ng Kapuso star.

Marami naman ang um-agree kay Ai Ai at nagsabing baka lumala pa ang krisis sa COVID-19 kung mauulit pa ang pagra-rally ng mga residente sa lungsod. 

Naiintindihan din ng mga netizens ang ginawa ng mga nag-rally dahil nasa ikatlong linggo na nga naman ang enhanced community quarantine pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila naaabutan ng tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending