Ethel Booba binanatan ang babaeng kumukuha ng temperature sa palengke | Bandera

Ethel Booba binanatan ang babaeng kumukuha ng temperature sa palengke

Alex Brosas - March 31, 2020 - 04:03 PM

ETHEL BOOBA

COMEDIENNE Ethel Booba clearly took a swipe sa isang girl na kumukuha ng temperature ng mga namimili using a thermal scanner.

Nag-viral ang nasabing video dahil hindi naman talaga tinitingnan ng girl ang body temperature ng mga taong pumapasok sa palengke. 

“Kala mo cashier ghorl na nag scan ng bar code. Charot!” comment ni Ethel sa Twitter.

Ang daming nag-react at nag-agree sa singer-comedienne. Ano nga ba naman ang silbi ng pagkuha ng temperature ng mga customers kung hindi naman nila titingnan ang resulta.

At kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa mga public place, hindi imposibleng mas dumami pa ang COVID-19 cases sa bansa. Meaning, magiging useless ang pagsasakripisyo natin sa hindi paglabas ng bahay dahil sa enhanced community quarantine.

“Anong ginagawa nya? Ni hindi tinitingnan kung anong temperature ang lumabas. Ano yan? Pa ek ek lang?”

“Chineck niya lang naman kung may halaga ba yung mga dumaan.”

“Wag na gawin kung di gagawin ng tama… sayang lang ang effort. Walang kuwenta.”

“Bakit di na lang hingan ni ate ng SM advantage card tutal parang nag scan lang sya ng mga barcodes ng items. Hahaha!”

“Nako meme, mas efficient pa ang cashier sa kanya kasi totoong frontliner yun… Isa syang barcode reader kaloka.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Im sure hindi lang dyan nangyayari ang ganyan. Pati sa iba pang public market! Pano kung may lagnat pala yung isang namamalengke e di lahat ng makakasalamuha nya nahawa na!” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending