outbrain

Kapatid ni Ruby Rodriguez ika-9 na doktor na namatay sa COVID-19 

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

Kapatid ni Ruby Rodriguez ika-9 na doktor na namatay sa COVID-19 

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

MATAPOS makipaglaban ng ilang araw sa COVID-19, pumanaw na ang kapatid na doktor ng TV host-actress na si Ruby Rodriguez.

Sumakabilang-buhay kaninang umaga ang isa sa mga itinuturing na bayani ngayong panahon ng krisis na si Dr. Sally Gatchalian.

Ayon kay Ruby, lumaban talaga ang kanyang kapatid sa virus na tumama sa kanya ngunit hanggang  doon na lang daw talaga siguro ang ibinigay na panahon sa kanya ng Diyos.

Narito ang official statement ng Eat Bulaga Dabarkads: “As of 6am my sister Dr Sally Gatchalian who fought really hard, Has Joined our Lord God and creator.

“We her family Thank you all sinceely for Praying with us. Stay Safe and keep on praying,” mensahe pa ng komedyana.

Sa kanyang Instagram account, nag-post din si Ruby ng litrato ng kanyang pamilya kasama si Dr. Sally. Aniya sa caption, “My sister, Manang sally, this is our Christmas 2019 family picture. Finally were complete.

“We will only remember you with happy memories, your johnson outfits and all, how u love bling bling, your Kuaff hair everday, your Kdrama addiction ( u got me hooked up too) i will make u kwento what i have seen last, our sunday lunches, our “bonding trips” that you and I only do( other siblings kasi nasa US).

“I love you so much my big sister (heart emojis) smile say hi to Mom Dad and manong robert. Be at peace do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!” aniya pa.

Si Dr. Sally, na siyang Presidente ng Philippine Pediatric Society, ang ika-9 na doktor na namatay dahil sa COVID-19.

Samantala, bumaha naman ng mensahe ng pakikiramay sa social media para sa pamilya nina Ruby. Halos lahat sila ay nagsabing saludo sila sa kabayanihan ni Dr. Sally at patuloy nila itong ipagdarasal, pati na ang lahat ng frontliners na nakikipaglaban sa COVID-19. 

Isa sa mga nagpahatid ng kanyang pakikiramay kay Ruby ay si Ali Sotto. Nag-post agad siya ng mensahe sa Facebook para kay Ruby.

“Another fallen hero lost her battle with CoViD 19 but has won not only our hearts but also a place in God’s heavenly kingdom.

“Rest in peace, Dra Sally Gatchalian Our deepest sympathies to Ruby Rodriguez and the loved ones who grieve for their loss,” lahad pa ng radio commentator.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending