outbrain

Mag-asawang Kean Cipriano, Chynna Ortaleza nagpakilig sa gitna ng COVID-19 crisis

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

Mag-asawang Kean Cipriano, Chynna Ortaleza nagpakilig sa gitna ng COVID-19 crisis

By Ervin Santiago March 26,2020
share this

SA gitna ng pakikipaglaban ng mga Pinoy sa COVID-19 pandemic at sa banta ng patuloy na pagkalat nito sa buong mundo, nanghawa naman ng kilig ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

“Sana all!” ang reaksyon ng mga netizens sa sweet message ni Kean para sa kanyang asawa nang balikan kung paano sila nagkakilala kung saan nagsimula ang kanilang love story.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanilang fourth wedding anniversary ang mag-asawa at kasabay nito ay nag-post ng throwback photo nila ni Chynna ang singer-actor na kuha sa taping ng Wagas, ang drama series noon sa GMA News TV.

Dito raw nagsimula ang lahat hanggang sa ligawan na niya ang aktres na nauwi nga sa pagpapakasal.

Pero alam n’yo ba na bago pa sila magtambal sa Wagas, unang na-meet ni Kean ang kanyang future wife sa isang celebrity event na ginanap sa Boracay noong 2008. 

Sa kanyang Instagram post binalikan ni Kean ang pagsisimula ng love story nila ng asawa. Ibinahagi niya ang litrato nila ni Chynna habang ginagawa ang episode nila sa Wagas na may caption na, “This is where it all started. @chynsortaleza and I did an episode of #Wagas 7 years ago…. and the rest is history. 

“We’ve been inseparable since we officially became a couple. now we’ve been married for almost 5years with 2 wonderful kids. Life is good,” aniya pa.

Sa isa pang IG post, makikita naman ang showbiz couple sa throwback group photo na kuha sa Bora.

“Akalain mo yun nung 2008 first ko na meet si @chynsortaleza sa event na to sa boracay. Sya pala makakasama ko habangbuhay.

Minsan di mo masasabi yung taong mamahalin mo nandyan lang pala talaga. Ang tindi mo din Chynna akalain mong nahalungkat mo pa to,” caption ni Kean sa litrato.

Ikinasal sina Kean at Chynna noong New Year’s Eve ng 2016 at may dalawa na silang anak ngayon, sina Stellar at Salem.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending