Makati Med kay Koko Pimentel: Dumagdag ka pa sa problema!
KINASTIGO ng pamunuan ng Makati Medical Center ang ginawang pag-violate sa home quarantine protocol ni Senator Koko Pimentel.
Sa isang statement, tinawag ng MMC na “irresponsible” at “reckless” ang ginawa ng senador.
“Last night (24 March 2020), the strict infection and containment protocols of the Makati Medical Center Delivery Room Complex (MMC-DR) were breached by a Senator of the Republic of the Philippines.”
Dito na pinangalanan si Senator Aquilino Martin D. Pimentel III na sinamahan ang asawa sa ospital na manganganak na.
“By being in MMC, Senator Pimentel violated his Home Quarantine Protocol, entered the premises of the MMC-DR, thus, unduly exposed healthcare workers to possible infection.”
Sinabi din ng MMC na nakadagdag si Senator Pimentel sa burden ng ospital na lumalaban sa outbreak ng COVID-19.
“By his actions, he contributed no solution. In fact, he created another problem for Makati Medical Center, the very institution which embraced his wife for obstetric care.”
Inassure naman ng MMC ang publiko na na-decontaminate at na-disinfect na ang MMC-DR at na binibigyan na ng karampatang pangangalaga ang mga na exposed na medical staff dahil sa senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.