outbrain

VIRAL: Why, oh why, Sen. Koko? Bakit ka pasaway?

By Djan Magbanua March 25,2020
share this

VIRAL: Why, oh why, Sen. Koko? Bakit ka pasaway?

By Djan Magbanua March 25,2020
share this

KAKALABAS pa lang ng balitang COVID-19 positive si Senator Koko Pimentel, nag-init nang husto ang social media.  Nagpupuyos ang damdamin ng marami dahil sa tila kapabayaan na ginawa ng senador.

Kumakalat ang isang screenshot ng isang conversation kung saan pinangalanan ang  senador.

Ayon sa screenshot, natataranta daw ang director ng naturang ospital dahil nga sinamahan ng senador ang kanyang misis sa delivery room ng isang ospital sa Makati City.

Wala raw disclosure na ginawa si Pimentel na siya ay naka quarantine and waiting sa test result for Covid-19.

Lumabas pa ang chika na nakapasok pa ang mag-asawa ng delivery room, na mariin naman nilang itinanggi.

 

Nanggagalaiti rin ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza dito at nirepost ang viral screenshot sa kanyang Facebook.

Sa isang interview, kinumpirma naman ng senador na nasa ospital siya kasama ang asawa nang matanggap ang balitang COVID-19 positive siya, Martes ng gabi.

Agad naman daw siyang umalis ng ospital pagkatapos matanggap ang balitang ito, at hindi raw siya nakapasok ng delivery room.

Tanong ng isang netizen, kung PUI pala si Senator Pimentel, bakit pa raw siya sumama sa asawa?

Iimbestigahan na raw ito ng Department of Health.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending