Ellen Adarna nagbilad ng hubad na katawan habang naka-self-quarantine | Bandera

Ellen Adarna nagbilad ng hubad na katawan habang naka-self-quarantine

Ervin Santiago |March 24,2020
facebook
share this

Ellen Adarna nagbilad ng hubad na katawan habang naka-self-quarantine

Ervin Santiago - March 24, 2020 - 08:02 AM

CURIOUS ba kayo kung ano ang pinaggagagawa ngayon ng datimg sexy star na si Ellen Adarna habang sumasailim sa self-quarantine?

Last week, umuwi si Ellen sa Pilipinas mula sa Bali, Indonesia para sa kanyang 14-day mental training. 

Pero bago makauwi sa bahay nila sa Cebu, kinailangan muna niyang mag-self-quarantine para masigurong negatibo siya sa COVID-19 dahil nga nanggaling siya sa ibang bansa habang ipinatutupad ang isang buwang lockdown.

Ngunit sa kabila nga ng “forced home quarantine” naisipan pa rin ni Ellen na ibandera at ibilad sa madlang pipol ang kanyang hubad na katawan.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng ex-partner ni John Lloyd Cruz ang kanyang sexy photos suot ang black bikini habang nagpapaaraw sa balcony ng bahay ng kaibigang furniture designer na si Vito Selma.

Pinusuan naman ng kanyang followers ang mga bikini photos na ipinost niya sa IG at karamihan sa mga comments ng netizens ay pumupuri sa kaseksihan ng aktres dahil kahit nanganak na ay hot na hot pa rin daw siya.

But of course, may mga nangnega pa rin kay Ellen na kumukusestiyon sa pagiging nanay niya. Paano raw kaya niya nakakaya na malayo sa anak nang mahabang panahon at nakukuha pang magbilad ng katawan sa social media. 

 

Ayon kay Ellen, mananatili siya sa bahay ni Vito sa loob ng 14 days bago umuwi sa kanyang pamilya. Dahil dito, siguradong miss na miss na niya ang anak nila ni John Lloyd na si Elias.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending