Basher supalpal kay Ara Mina: Hindi kami nang-iinggit, wag tayo basta mag-judge
NAPILITANG patulan ni Ara Mina ang isang netizen na nangnega sa kanya at sa anak dahil sa pagsusuot nila ng face mask sa loob ng bahay.
Hindi nagustuhan ng aktres ang pag-epal ng isa niyang Instagtam follower na wala sa lugar kaya pinagsabihan niya ito at nagpaliwanag kung bakit naka-face mask sila ng anak na si Amanda Gabrielle.
Caption ni Ara sa litrato nilang mag-ina, “Strike a pose with my daughter @myamandagabrielle. Our fashion lately. Praying for everyone’s safety. We can fight this. God is with us”
Comment naman ni @titac_319, “d nyo naman kailangan ang mask kung nasa bahay lang kayo. please be sensitive, maraming health workers ang walang masks. huwag nyo na silang inggitin.”
Ito naman ang resbak sa kanya ni Ara, “DI PO KAMI NANG IINGGIT ATE. GALING PO KAMI SA LABAS NG BAHAY NAMIN NG ANAK KO NAGLAKAD LAKAD SANDALI. BAWAL PO BA MAGMASK SA LABAS? WE DECIDED TO HAVE A PICTURE INSIDE THE HOUSE KASI MADILIM SA LABAS.
“SANA PO WAG PO TAYO BASTA MAGJUDGE. AND DON’T TELL ME TO BE SENSITIVE BEC I’M SENSITIVE ENOUGH AND FYI NAGDONATE PO AKO NG MGA MASKS SA FRONTLINERS BAKA DI NYO LANG PO ALAM.
“PINAPAALAM KO NA PO SA INYO. KASI DI PO LAHAT NG MGA BAGAY NA NAGAGAWA NAMIN E NAMEMEDIA OR NAPAPAMEDIA. MARAMING SALAMAT PO!”
“Si @heartandsoulphilippines PO MAKAKAPAGPATUNAY NA NAGDONATE PO AKO NG MASKS JUST IN CASE NA HINDI KAYO NANINIWALA. WAG PO KAYO BASTA BASTA NAGJAJUDGE NGA TAO. AND DI NAMAN MASAMA SIGURO MAGTIRA AKO NG MASK PARA SA AMIN NG ANAK KO.”
Kinampihan si Ara ng netizens kabilang na ang @heartandsoulphilippines na pinatunayan ang pagdo-donate ng aktres para sa mga pangangailangan ng frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
“Awwww that’s too harsh. People nowadays talaga. FYI I’m one of the healthworker na nabigyan ng mask for our hospital in Bulacan. Miss Ara Mina sent 1000 pieces of masks for all of us.
“She is not even residing or from Bulacan but she still gives and sensitive enough to share her blessings. Let all the people have mask, lahat po tayo vulnerable sa sakit. Let Ara Mina’s Family wear it.”
“Masyado naman sila maka judge…. wag kasi lagi umasa sa tulong ng iba dapat kahit konti May ipon kayo para in case of emergency meron kayo. Lesson sa lahat ng pinoy na dapat mag ipon kahit konti JUST SAYING… Ingat nalang tayo lahat,” pagtatanggol ng isang netizen.
Comment ng isa pang fan ni Ara, “Hindi po sila nang iinggit pinapakita lng nila na sa loob at labas ng hauz nakamask sila para safe dba,kaya dOn’t judge po pray nalang naten mawala na ang virus na yan.”
In fairness naman, matapos masupalpal nag-sorry din ang basher kay Ara, “sorry that I misjudged you. But times like this, when front liners are dying due to lack of protective gears, it becomes very personal. Again, my apologies.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.