Alex, Pokwang naalarma sa pagpapauwi sa mga pasyenteng may COVID-19  | Bandera

Alex, Pokwang naalarma sa pagpapauwi sa mga pasyenteng may COVID-19 

Ervin Santiago - March 23, 2020 - 08:34 AM

ALEX GONZAGA

NAALARMA ang madlang pipol nang kumalat ang balitang may mga COVID-19 positive patients na pinauwi na lang sa kani-kanilang tahanan dahil sa kakulangan ng kama at kwarto sa ospital.

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkumpirma sa balitang ito sa 24 Oras ng GMA. Umabot na raw sa 44 ang confirmed COVID-19 cases sa Q.C..

Ayon sa ulat, tatlo sa bagong kaso ng COVID-19 sa Q.C. ay walang travel history habang ang ikaapat ay balitang bumiyahe sa Japan.

Ayon sa alkalde ng Q.C., “Nasa bahay ang mga pasyente, ‘no, dahil nga sa kakulangan ng mga kama or mga kuwarto sa ating mga ospital.

“Ibig sabihin nun, nakipagkapwa na sila doon sa mga kapitbahay at sa kapamilya nila, so the risk is now multiplied, ‘no? At ngayon, we now have to test all of their family members.

“Sa isang bahay, maaaring tatlo, apat na pamilya ang nakatira doon, maaaring tabi-tabi talaga ang mga bahay, the risk of transmission is much, much greater, ‘no?

“So we have to take extra precautions kapag ang communities na po natin ang naaapektuhan,” paliwanag pa niya.

POKWANG

Dalawa sa mga celebrities na agad nag-react sa balitang ito ay sina Alex Gonzaga at Pokwang na nagpahayag ng pagkabahala na baka lalo pang tumagal ang COVID-19 pandemic dahil sa pangyayaring ito.

Ayon kay Alex, “Nakakalungkot naman to watch an interview saying Covid patients are sent home because of lack of space sa facilities.

“We want this quarantine to end so people can get back on their feet na but with this kind of news from the authorities baka ma-prolong pa. Lord pls help us!”

Ito naman ang suggestion ni Pokwang para kahit paano’y maresolbahan ang problemang ito. Aniya, “E bakit hindi po gamitin ang Araneta Coliseum para doon pansamantala gamutin ang mga nag positibo sa virus?

“Kesa pauwiin kawawa naman ang family nila lalo na kung may bata [crying emoji] or matatanda?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala naman gagamit non at wala naman mag Co concert sa panahon na ito!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending