Aiko sa bashers: Wag masyadong inggitero, day 5 pa lang utak talangka na!
SUPER proud si Aiko Melendez sa kanyang dyowang si Vice Gov. Jay Khonghun dahil nananatiling COVID-19 free ang Zambales as we write this.
“Alam nyo bakit? Kasi me disiplina at coordination ang mga namamahala at mga residente nila. Sana makuha naten ang ganitong kaugalian ng mga Zambalenos. Marunong sumunod at di katigasan ng ulo.
“Flex ko lang hindi porket partner ko ang Vice Governor nyo kaya ko to sinasabi dun tayo sa totoo. Ngayon din ang panahon na di lang sa Pasig me masipag at maaasahan na namamahala kundi sa Zambales din.
“Tap on the back VG Jay Khonghun kasi alam ko lahat ng hakbang na ginagawa mo para makatulong pati na sa pamilyang Khonghun na mula sa kanilang Congressman hanggang sa Mayor at Vice Governor nanatili bukas ang kani kanilang tanggapan upang maghatid tulong.”
That was Aiko’s caption sa photo niya about Zambales being COVID-19 free. Ang daming pumuri sa post na ‘yun ni Aiko.
Pero may mga nam-bash din sa kanya kaya ipinamukha niya sa mga ito kung bakit niya pinupuri ang BF at sinupalpal ang haters.
“Wag kasi masyado ingittero! Day 5 palang utak talangka… wala mali sa post ko kaya wala ako dapat itama. Pupurihin ko kng sino gusto ko at di din ako sasang ayon sa mga nakikita kng mali.
“Kapag magkamali si VG Jay Khonghun ako mismo pupuna sa knya wag kayo mag alala dun lang tayo sa totoo. Sabi nila matapang ako oo matapang ako sa tama.
“Pero pag ako naman ay nagkamali aamin naman ako at hihingi ng dispensa,” she said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.