Kim sumailalim na rin sa 2-week quarantine: Mahirap pero dapat gawin | Bandera

Kim sumailalim na rin sa 2-week quarantine: Mahirap pero dapat gawin

Cristy Fermin - March 21, 2020 - 12:41 AM

KIM CHIU

NAPAKARAMING dapat ipagpasalamat si Kim Chiu sa mga panahong ito. Tama lang na mahahabang panalangin ang inuusal niya ngayon bilang pasasalamat sa Panginoon.

Hindi ganu’n kasimple ang karanasang pinagdaanan niya nang ratratin ang kanyang van, salamat na lang at wala ni isang balang tumama sa kanya sa walong pinakawalan ng riding in tandem, may nakalaan pang misyon sa mundo ang dalagang aktres.

Hindi ganu’n kadaling kalimutan ang pagbaril sa kanyang sasakyan, mananatiling matinding bangungot ‘yun sa kanyang buhay, lalo na’t may lumabas na balita na hindi naman para sa kanya ang mga balang ‘yun kundi para sa isang kilalang pulitiko.

Habambuhay niyang dadalhin ang alaalang ‘yun na lalo pang nagpaalala sa kanya na ganu’n lang pala kadaling mamatay kapag oras mo na.

Pagkatapos ng pagbaril sa kanyang van ay heto, isang paghamon na naman ang hinaharap ngayon ni Kim, kasama niya sa seryeng Love Thy Woman ang umaming may COVID-19 na si Christopher de Leon.

Nagkaroon ng malasakit ang magaling na aktor para aminin ang kanyang sitwasyon para maalarma rin at matutukan ng kanyang mga kasamahan ang sarili nilang kaligtasan.

Ang mga nakasalamuha ng may ganu’ng sakit ay kailangan ding magpa-quarantine sa loob nang labing-apat na araw. Hindi rin masasabing biro-biro ang ganu’ng karanasan.

Kailangan niyang sumunod sa payo ng DOH at ng mga dalubhasa na dalawang linggong pamumuhay nang malayo sa nakasanayan na ang kailangan niyang gawin. Mahirap pero kailangan dahil kaligtasan niya ang nakataya sa mga panahong ito.

Pero kung naligtasan niya ang halos napakalapit na sa kamatayang pamamaril sa kanyang van na ang mababaw na dahilan lang ay mistaken identity ay mas makaliligtas siya sa sakit na kinatatakutan sa buong mundo dahil sa kanyang disiplina.

Hindi pa oras ni Kim Chiu, mahabang buhay pa ang naghihintay sa kanya, marami pa siyang misyong hindi nagagawa at mga pangarap na malapit pa lang matupad hindi lang para sa kanya kundi para sa kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending