Richard, Sarah nanghingi rin ng donasyon para sa PUV drivers
Nadagdagan pa ang mga celebrities na tumutulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan at sa mga frontliners na patuloy na nagtatrabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nanawagan ang bagong kasal na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang mga kaibigan at kakilala na mag-donate para sa mga medical supply, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga frontliner at mga driver ng public utility vehicle.
Sa Instagram, ibinalita ng mag-asawa na nag-set up sila ng account para makalikom ng pondo na kanilang ipamimigay sa mga health workers, military and police officers na nasa checkpoints, pati na sa mga tricycle, jeepney, bus at taxi drivers.
Sa pamamagitan ng online site na Go Get Funding maaari na kayong mag-donate kahit magkano sa kanilang fundraising campaign na “Laban sa COVID.”
Post nina Richard at Sarah, “Inspired by our friends who have been helping, we have decided to do our part and help out from our home together with our families and friends.
“We are hoping to raise enough funds to buy all of these urgent necessities to help people in need.”
Kung matatandaan, kinansela nina Sarah at Richard ang kanilang bonggang wedding dahil sa COVID-19 outbreak. Pero noong March 14, itinuloy din nila ito sa pamamagitan ng isang intimate ceremony.
Nauna nang nagsagawa ng online fundraising para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa virus sina Bela Padilla at Maine Mendoza. Namahagi na ng pagkain at iba pang goods si Bela sa mga street vendor matapos makalikom ng mahigit P3 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.