Pressure ni partner: Bumukod na tayo | Bandera

Pressure ni partner: Bumukod na tayo

Beth Viaje - March 18, 2020 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,

Ako po si Ian, 22 years old at nakatira po ako sa Binan, Laguna. May kinakasama po ako ngayon, two years na rin kaming nagsasama. Nakikitira lang po kami sa parents ko. Gusto naman po siya ng parents ko at kahit papaano ay OK naman po sa kanila na doon muna kami tumira sa kanila.

Ang problema ko po ay kapag nag-aaway po kami ng partner ko, sinasabi niyang gusto na niyang umalis at bumukod na kami. Ang kaso po, ateng, wala naman pa akong masyadong ipon. Ano ba ang gagawin ko?

Ian ng Binan, Laguna

Magandang araw sa iyo Ian ng Binan, Laguna. Kung dalawang taon na kayong nagsasama na parang mag-asawa, tama lang na mag-demand ang partner mo na umalis na kayo sa parents mo at bumukod na kayo.

Sa una, mahirap talaga ang bumukod at kadalasan ganyan ang katwiran — walang perang ipon o kapos. Pero sabi nga nila kapag gusto, maraming paraan at kapag ayaw, maraming dahilan.

Ang nakikita ko sa iyo ngayon ay hangga’t meron kang idadahilan sa kanya para huwag umalis sa piling ng mga magulang mo ay gagawin mo.

Kung seryoso ang inyong relasyon, it’s best nga naman to be independent from your family and start your own.

Maaari namang pag-usapan n’yo ito at isipin ang plano ng gastos at iba pa. Para sa akin, kung mahal mo siya, ibigay mo ang hinihingi niya dahil baka maging cause pa ito ng tensyon sa inyong relasyon. Maybe kung hindi pa kaya, give her an assurance and deadline kung kailan so she can adjust her expectations.

Wala namang tao ang gustong nakikitira lang, so isipin mo rin ang sitwasyon niya at ninyo. Again, if you’re serious with her and you can actually see her as a life partner, I suggest to keep your relationship a priority.

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka bang nais isaangguni kay Ateng? Email na sa [email protected] o mag-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending