ISA-ISANG uungkatin nina Sam Milby at Yassi Pressman ang mga sikretong bumabalot sa isang kasong hindi malutas-lutas sa iWant original series na “The Tapes,” na mapapanood na sa iWant ngayong simula Marso 18.
Gaganap sina Sam at Yassi bilang sina Sonnyboy at Alice, magka-partner na pulis sa isang tahimik na bayan. Mabubulabog ang mga buhay nila dahil sa misteryosong video tapes na naglalaman ng nakakagimbal na videos na may kinalaman sa kaso ni Judy, isang babaeng matagal nang nawawala.
Ang “The Tapes” ay idinirek ni Bradley Liew, kung saan kasama rin sina Ricky Davao, Felix Rocco, Perry Dizon, Barbara Ruaro at Brian Sy, with Cherie Gil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.