Kaso ng COVID-19 sa PH umabot na sa 140; nasawi nasa 11 na | Bandera

Kaso ng COVID-19 sa PH umabot na sa 140; nasawi nasa 11 na

- March 15, 2020 - 05:51 PM

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) tatlo pang kaso ng mga nasawi ang iniulat dahil sa coronavirus disease COVID-19), samantalang nadagdagan pa ng 29 ang nagpositibo dahilan para umabot na sa 140 ang kabuuang bilang ng mga apektado ng deadly virus.

Umabot naman sa 11 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil Sa COVID-19.

Base sa kalatas ng DOH, kabilang sa tatlong nasawi ang PH9,  ang 86-anyos na Amerikanong lalaki na nakatira sa Marikina City, na namatay dahil sa multiple organ failure; ang PH54, 40-anyos mula sa Pasig City na nasawi dahil sa acute respiratory illness; at PH39, isang  64-anyos na lalaki mula sa Negros Occidental.

Sa tatlo, ang PH9  lamang ang may travel history sa United States at Korea, samantalang nagtungo si PH39 sa Greenhills,  San Juan City, kung saan nagpositibo ang ilang katao sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending