Bong: Gawin natin lahat para hindi tayo magkahawa-hawa | Bandera

Bong: Gawin natin lahat para hindi tayo magkahawa-hawa

Cristy Fermin - March 14, 2020 - 12:50 AM

BONG REVILLA

Dahil sa paglaganap ng COVID-19 hindi lang dito sa atin kundi maging sa buong mundo ay nagbigay na ng opisyal na pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila.
Lockdown ang katumbas nu’n, isasarado ang pasukan at labasan ng Metro Manila para makaiwas sa mas matindi pang pagkalat ng epidemya, kaya naman inatake ng nerbiyos ang ating mga kababayan.
Hanggang hatinggabi ay pila-pila ang mga mamimili sa mga grocery, nag-panic buying sila, dahil sa mga maling impormasyong nababasa nila sa social media.
Ang akala nila ay magkakaroon nang malawakang taggutom dahil sa lockdown, magkakaubusan daw ng mga pangunahing bilihin dahil pagsasaraduhan ng pamahalaan ang mga produktong manggagaling sa labas ng Metro Manila, maling-mali ang kanilang interpretasyon.
Kung bakit naman kasi may mga kababayan tayo na sa halip na pakalmahin ang kalooban ng publiko ay naghahasik pa ng takot. Manahimik na lang sana sila para mapanatag ang isip ng mga Pinoy na kapos sa impormasyong nagmumula sa DOH.
Nanguna na ang maraming pulitiko para sa pagpapairal ng home quarantine. Sina Senador Bong Revilla, Senador Win Gatchalian, Senador Nancy Binay at maging si Mayor Isko Moreno ay lumiban na rin muna sa pagpasok sa kanilang mga opisina.
Pahayag ni Senador Bong, “Wala naman akong nararamdamang kakaiba, pero para sa kaligtasan ng mas nakararami, pinili ko na lang mag-self quarantine.
“Iba na ang nag-iingat, hindi biro-biro ang COVID-19, kailangan nating gawin ang lahat ng paraan para hindi tayo magkahawa-hawa,” punto ni Senador Bong Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending