Horoscope, March 14, 2020 | Bandera

Horoscope, March 14, 2020

Madam Sophia |March 14,2020
facebook
share this

Horoscope, March 14, 2020

Madam Sophia - March 14, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tatlong bagay ang nagpapayaman sa iyo: Ang pagdating ng kasuyong mayaman; Ang pag-aabroad at ang pagnenegosyo. Kailangang maganap ang aliman man sa tatlo, upang sa edad mong 55 pataas, mayamang-mayaman ka na. Markahan ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Silver at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Anomang talento ang tinataglay mo ito ang magpapaunlad ng iyong kabuhayan, kaya magsanay at magpagaling ka pa ng husto. Sa lovelife,, sa pamamagitan ng mahusay na boladas, mapapa-Oo mo na ang kasuyo sa isang bagay na matagal mo ng hinihingi at hinihiling sa kanya. Markahan ang 5, 14, 20, 42, 47 at 49. Violet at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Sa pinansiyal at lovelife, ito ang pinapagawa sa iyo ng langit, duminahan at pangunahan mo ang iyong kasuyo, upang mas mabilis na umunlad, lumigaya at yumaman ang inyong samahan. Markahan ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Red at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa lovelife,, nasa malayong lugar ang true love at ang tunay na kaligayahan. Markahan ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Violet at navy blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Ito ang araw na dapat mo ng iwasan ang mga gawaing nakauubos lang ng oras na wala namang katuturan, tulad ng nakawiwiling pagpe-facebook. Kailangan magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan sa pagkain. Markahan ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Blue at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Pakikipag-sosyalan ang kailangan upang wag ma-boring ang buhay. Sa lovelife,, isama ang kayuso sa isang social gathering. Sa isang pagtitipon, pareho kayong magkakapera at magiging maligaya. Markahan ang 2, 17, 28, 33, 43 at 47. Lilac at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Alagaan ang iyong kalusugan, dahil kung magkakasakit ka paano ka kikita ng maraming pera at paano ka liligaya? Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang pakikipagrelasyon sa isang Taurus. Markahan ang 5, 19, 28, 37, 41, at 45. Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Huwag pansinin ang mga naninira. Kaya hindi ka kumikita ng malaking halaga, pinapatulan mo kasi ang mga intriga. Sa lovelife,, isang kaibigan ang aagaw ng iyong minamahal. Wag kang papayag, ipaglaban ang kasuyong Aquarius. Markahan ang 6, 18, 28, 33, 45 at 48. Yellow at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo. Yan talaga ang role mo sa mundo – ang magparaya. Sa pinansiyal, isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya magbayad, talagang ganon ang buhay, mayroon talagang mga taong manunuba! Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Blue at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Harapin ang bagong araw na may sigla at pag-asa. Sa bagong produktong may kaugnayan sa kumunikasyon kikita ng malaking halaga. Sa lovelife,, nanlalamig ang kasuyo, painitin siya sa romansa. Markahan ang 1, 8, 17, 24, 34, 35. Red at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy mas madaling lalago ang kabuhayan. Sa lovelife,, anoman ang balakid sa inyong relasyon, ang wagas na pag-iibig pa rin ang mananig sa dakong huli. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Black at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Ang sariling pamilya ang dapat asikasuhin bago ang iba. Sa pinansiyal at sa lovelife,, wag masyadong maging mabait sa mga kaibigan, dapat ka ring maging mabuti sa iyong mga ka-dugo. Markahan ang 4, 16, 23, 37, 39 at 44. Lilac at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa panahong ito ng iyong buhay salapi ang dapat pahalagahan. Gumising ng maaga, at isulat sa malinis na notebook ang mga paraan kung paano magkakapera. Sa lovelife,, ipaliwanag sa minamahal ang kahalagahan ng pagmamahal at pagsisinop ng kabuhayan. Markahan ang 7, 16, 87, 42, 44 at 49. Green at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending