Malacanang official hindi alam ang kanyang trabaho | Bandera

Malacanang official hindi alam ang kanyang trabaho

Den Macaranas - March 13, 2020 - 12:15 AM

NAG-uusap-usap na ang ilang mga tauhan ng isang mataas na opisyal ng gobyerno kung talaga bang alam ng kanilang “Boss” ang kanyang trabaho.
Sa gitna kasi ng mga isyu ay tila iba ang prayoridad ni Sir na tinatawag nila ngayong sipsip sa pangulo.
Sa pagputok ng balita hingil sa coronavirus ay nakukulangan ang mga tauhan ni Sir sa diskarte ng kanilang amo.
Sila nga naman dapat ang nangunguna sa pagbibigay ng mga tamang impormasyon sa publiko pero nasisingitan pa rin sila ng mga fake news.
Sinabi pa ng aking cricket sa Malacanang na maswerte lang talaga ang grupo ng ating bida dahil patuloy ang pagtaas ang popularity at approval rating ng pangulo.
Dahil kung hindi ay matagal nang pinulot sa kangkungan ang pabidang government official.
Naniniwala rin ang aking cricket na interesado pa rin ang bida nating government official sa binakanteng pwesto ng isang nanalong senador kaya panay ang dikit nito sa grupo ng pangulo.
Sa tingin ko ay okay na rin na mailipat siya ng pwesto kesa naman hindi nagagamit sa tama ang pondo ng tanggapan ng ating bida na kilala rin sa Malacanang bilang jet setter.
Minsan talaga ay kailangang kunin natin ang atensyon ng opisyal na ito dahil nanghihinayang ako kung masisira lang sa patuloy na kapalpakan ang kanyang pangalan sa gobyerno.
Hindi na kailangan ng matinding clue dahil si Mr. M…as in Martilyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending