DOH kinumpirmang pasyente ng COVID-19 namatay sa ospital sa Maynila
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na isang pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang namatay sa Manila Doctors Hospital sa Maynila.
“The Department of Health (DOH) confirms circulating reports regarding the death of a confirmed COVID-19 patient in Manila,” sabi ng DOH sa isang pahayag ngayong gabi.
Idinagdag ng DOH na kabilang ang namatay sa 16 na kaso ng COVID-19 na nadagdag sa listahan.
“The reported death is the patient with ID PH35 confined at Manila Doctors Hospital in Manila City. DOH is currently gathering and validating more information on the reported death,” dagdag ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.