Electrician mula sa Dumaguete kinutuban, tumama ng P53.9M sa lotto
Leifbilly Begas - Bandera August 06, 2013 - 05:23 PM
NAGKATOTOO ang kutob ng isang 39-anyos na electirician na siya ang papalaring manalo ng jackpot prize sa lotto noong Hunyo.
At matapos ang mahigit isang buwang pagpapalamig, kinuha na nniya ang kanyang P53.987 milyong premyo sa Mega Lotto 6/45.
Ayon sa nanalo, ilang beses na siyang tumama ng consolation prizes at may kutob umano siya na mananalo ng malaki kaya patuloy ang pagtaya niya sa lotto. Nagkatotoo ito noong Hunyo 28 kung saan lumabas ang mga nakursunadahan niyang numerong 20-19-42-18-32-01. “Malakas ang feeling ko na talagang tataman ko po talaga ang jackpot. Tiyaga lang po talaga ang ginawa ko sir, at nagbunga naman po,” saad ng nanalo sa pakikipagkuwentuhan niya kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II. Balak ng nanalo na iwan na ang pagiging electrician at papasukin na ang buy and sell business. Siya ay walang anak at taga-Dumaguete.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending