Playboy na aktor tuloy ang panloloko kay misis; kabit tambay sa shooting | Bandera

Playboy na aktor tuloy ang panloloko kay misis; kabit tambay sa shooting

Cristy Fermin |March 06,2020
facebook
share this

Playboy na aktor tuloy ang panloloko kay misis; kabit tambay sa shooting

Cristy Fermin - March 06, 2020 - 12:45 AM

KALAT na ang kuwento ng pagiging playboy ng isang kilalang male personality, kakambal na ‘yun ng kanyang imahe kahit nu’ng bagets pa siya, pero iba na ang istorya ngayong nagkakaedad na ang aktor.

Aktibo pa rin siya sa pag-arte, guwapo pa rin siya hanggang ngayon, marami pa ring nagkakagusto sa kanya kahit pa numinipis na ang kanyang buhok.

Kuwento ng aming source, “Hindi na siguro mawawala sa kanya ang pagiging chickboy. Simple lang siya, pero meron pa rin siyang ginagawang milagro hanggang ngayon.

“Sa taping niya, e, may sarili siyang tent, natural, may privacy siya, du’n lumulusot ang pagkahilig niya sa babae. Dumarating ang girl, pero hindi halos nakikita ng mga tao sa set, dahil diretso na siya agad sa tent ng guy.

“Natural, habang nagtatrabaho ang guy, e, nasa tent lang ang girl, mag-isa lang du’n, binabalikan na lang siya ng male personality kapag tapos na sa mga eksena niya,” unang kumpisal ng aming impormante.

Nakakalusot din ang male personality sa kanyang misis, magaling siyang gumawa ng sarili niyang schedule, nakararating siya sa malalayong lugar na kasama ang kanyang girlfriend.

Patuloy ng aming source, “Ano ba naman ang alam ng girl sa mga milagrong pinaggagagawa niya, e, hindi naman alam nu’n kung paano tumatakbo ang trabaho ng mister niya?

“Kapag sinabi niyang two days sila sa ganu’ng location, e, may magagawa pa ba naman ang misis niya? Natural, oo na lang ang babae, dahil hindi niya naman alam ang takbo ng trabaho ng mister niya!

“‘Yun na! Nakalulusot ang pagiging babaero ng guy kapag ganu’n, tapos na ang taping niya, e, hindi pa rin siya umuuwi, kasi nga, kasama niya ang girl na dadalhin pa niya sa rest house niya!

“Naku, wala pa ring pagkasawa sa pambababae ang mokong na ‘yun, kesehodang kalat-kalat na nga ang produkto ng pagiging playboy niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gabi at araw pa rin siyang playboy, wala siyang keber, kesehodang marami siyang pambayad-utang dahil puro girlash ang mga dyunakis niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan? Gabi at araw na ang sabi ng source, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending