Darren Espanto umamin na: 3 young actress ang naging girlfriend
DIRETSONG inamin ng Kapamilya singer na si Darren Espanto na may mga naging girlfriend na siya, at lahat sila ay taga-showbiz.
Na-interview ng ilang members ng entertainment media ang binata sa media launch ng Beautederm kamakailan kung saan naganap ang formal announcement sa pagiging youngest ambassador ng nasabing brand.
Tatlo sa mga naging girlfriend ni Darren sa showbiz ay sina Kyline Alcantara, Andrea Brillantes at Ylona Garcia.
“It’s part of growing up din. My parents are supportive naman as long as alam nilang matino ‘yung kino-court kung babae,” simulang pahayag ng singer-actor.
“Throughout my stay here in the Philippines, opo (nagka-girlfriend ako). Lahat sila in showbiz,” pahayag ni Darren. At dito na nga nabanggit ang name ni Kyline na na-link sa kanya noon pero walang kumpirmasyon o denial mula sa kanila.
“Masasabi ko lang ‘yung mga fans talagang very alam nila eh,” sey ni Darren na ang tinutukoy ay ang mga comments ng kanyang fans and followers tungkol sa kanyang lovelife.
At sa tanong kung ano ang nangyari sa past relationships niya at nauwi rin sa hiwalayan, “I feel like kasi when you are a kid you don’t really know what you really want yet in life.
“And I feel like it is better for me and for everyone I dated in the past kasi mas mature na po kami ngayon and alam na po namin ang gusto namin,” pahayag pa ng pinakabagong miyembro ng Beautederm family ng pag-aari ng matagumpay na negosyanteng si Rhea Tan.
Posible bang magkabalikan sila ni Kyline “Okey naman po kami as friends. At saka very supportive kami sa mga lovelife ng isa’t isa.”
Bukod nga kay Kyline, nakarelasyon din niya sina Andrea Brillantes at Ylona Garcia.
“’Yan, eto na. Blythe (Andrea), ‘yun nga po. Kasi, nu’ng time na ‘yon, sobrang bata pa rin kami. So, the same answer din. Same lang din po kay (Ylona). But all of us are friends now. I’m friends with everyone now and I’m happy that there’s no bad blood between anyone. Right now, wala po. Wala (nililigawan).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.