Ex-Kapamilya actor umaming pasaway; happy para kina Ion at Vice | Bandera

Ex-Kapamilya actor umaming pasaway; happy para kina Ion at Vice

Reggee Bonoan |March 04,2020
facebook
share this

Ex-Kapamilya actor umaming pasaway; happy para kina Ion at Vice

Reggee Bonoan - March 04, 2020 - 12:10 AM

AXEL TORRES

Huli naming napanood si Axel Torres sa La Luna Sangre (2017) bilang isa sa cast ng “Youtopia” at inamin niya sa amin na matagal na nga siyang walang project.

“Nasa Star Magic po ako for five years, okay naman po and still nasa ABS-CBN and nag-inquire naman sila sa akin for Make It With You as chef with Liza (Soberano), pero hindi ko tinanggap kasi baka magkaroon ng conflict sa new project ko sa TV5 and by March, magte-taping na kami for teleserye, My Extraordinary (kasama si Kamille Filoteo),” pahayag ni Axel.

Ang sinasabi niyang My Extraordinary ay TV series na mapapanood sa TV5 produced by Asterisk Digital Entertainment kung saan makakasama ang iba pang talent ng nasabing management company.

Hindi itinanggi ni Axel na gusto niyang magkaroon ng maraming projects para sa anak niya dahil as of now ay wala siyang regular job.

“Kaya po ako nagpa-manage sa baguhan kasi nu’ng pumirma po ako ng kontrata, may specific project na gagawin unlike sa ABS wala po silang sinabi.

“Saka si kuya Kristian (Kabigting-CEO ng Asterisk) matagal ko nang kilala, sa Star Magic din siya dati,” saad ng binatang ama. Bukod sa TV series ay may hosting job din si Axel.

Diretsong tanong kay Axel kung nadismaya siya sa ABS-CBN dahil hindi siya nabibigyan ng regular shows.

“Hindi naman po ako nadismaya at hindi ako puwedeng madismaya kasi hindi naman sila nagkulang, ako po ‘yung may pagkukulang. Naging pasaway ako talaga noon,” pag-amin ng aktor.

Samantala, close sina Axel at Vice Ganda pero matagal na silang hindi nagkakausap dahil pareho raw silang busy kaya walang alam ang TV host na lumipat na ng ibang management company ang aktor.

“Ang tagal na naming hindi nagkakausap, siguro after nu’ng Kapamilya Basketball na kalaban sila, that’s the last time na nagkausap kami,” saad ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman dahil kay Ion Perez na boyfriend ngayon ni Vice, “Ay hindi, super happy nga ako for them, hindi mo hinanap pero dumating so sobrang happy ako para sa kanya (Vice).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending