Bodyguard ni Sarah humingi ng P1.5M sa Viva, pero nakipag-ayos sa halagang P200K
NAKIPAG-AYOS na si Jerry Tamara, Sarah Geronimo’s close-in security, sa Viva Films as reported in a video of Raffy Tulfo in Action.
Noong una, it was revealed na humihiling ng P1.5 million for damages si Jerry nang magpunta sa office ng Viva. Hindi naman dumating sina Matteo Guidicelli at Sarah para ma-settle na ang issue na kine-claim ni Jerry na sinapak siya sa leeg ni Matteo.
Nag-counter offer ng P100,000 ang Viva pero hindi ito tinanggap ni Jerry.
After two days, nang kontakin ni Raffy ang Viva, Jay Montelibano told them na tumanggap si Jerry ng P200,000 na areglo. Through text ay sinabi ni Jerry na nagkaayos na sila ng Viva at nagpasalamat kay Raffy.
Na-bash nang husto si Jerry sa social media.
“Kapal muks…yun lang pala habol lumabas din. Kalaki mong tao lalambot lambot ka pala. Kala mo naman nalamog ka sa suntok.”
“Makahingi ng damage kala mo high end na body guard. Di nga nya kinaya si Matteo.”
“Manong guard, napapaghalata ka. Ikaw na nga nakapurwesyo e. I am saying your role as a body guard is to throw yourself para sa amo mo. Masuntok, masaktan is part of it. Part of your duty is to put your life on the line. Kasi nga body guard ka. Again, bodyguard ka!!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.