Baka mag-swak na ngayong 2020 ang puso nina John Lloyd at Bea... | Bandera

Baka mag-swak na ngayong 2020 ang puso nina John Lloyd at Bea…

Julie Bonifacio |March 01,2020
facebook
share this

Baka mag-swak na ngayong 2020 ang puso nina John Lloyd at Bea…

Julie Bonifacio - March 01, 2020 - 01:00 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT BEA ALONZO

Inamin ni Baron Geisler sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” na totoong nagkasama sila ng former “Tabing-Ilog” co-star niya na si John Lloyd Cruz with Bea Alonzo.

Nag-guest si Baron nang live sa “Magandang Buhay” kasama ang kanyang misis at ang first baby nila na si Talitha.

Naganap ang pagkikita nila sa baby shower and at the same time, dedication ni Talitha.

May lumabas kasi sa social media na picture kung saan magkakasama sina Baron, Bea at John Lloyd.

When Baron was aked by momshies Jolina Magdangal, Melai Cantiveros and Karla Estrada kung kabilang ba sina John Lloyd and Bea sa kinuha nilang godparents ni Talitha, medyo alanganing sumagot ang aktor.

Pero sinabi naman ni Baron na sure siya na hindi tatanggi sa kanya sina Bea at John Lloyd na maging godparents ni Talitha.

Wish naman ni Baron na magkaroon sila ng project nina Lloydie at Bea.

Nakakatuwa dahil mukhang pinanday na ng panahon ang tatlong Kapamilya stars sa rami ng mga dumating at pinagdaanan nila sa buhay.

Si Bea na lang ang wala pang baby sa kanilang tatlo. But come to think of it, e, bakit hindi na lang kaya sina Bea at John Lloyd ang magkatuluyan?

Tutal peraho naman silang single at noon pa man ay crush na ni Bea si Lloydie. Inamin mismo ni Bea sa amin yan nu’ng mag-set visit kami sa set ng serye nila ni Lloydie sa ABS-CBN, ang “It Might Be You.”

Si Lloydie lang talaga ang di solved sa idea na karelasyon niya ang kanyang kalabtim that time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malay natin baka mag-swak na ang puso at paningin nila sa isa’t isa this time?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending