Sikat na aktres ginawang robot ng magulang: Puro pera ang laman ng utak | Bandera

Sikat na aktres ginawang robot ng magulang: Puro pera ang laman ng utak

Cristy Fermin |February 29,2020
facebook
share this

Sikat na aktres ginawang robot ng magulang: Puro pera ang laman ng utak

Cristy Fermin - February 29, 2020 - 12:41 AM

AWANG-AWA ang pamilya ni Actress A kay Actress B. Alam na alam kasi nila ang matinding pinagdaanan nu’n ng kanilang kaibigan sa pamilya nito.
Diretsong sinabi ng pamilya ni Actress A na ang tingin ng pamilya ni Actress B sa kanya ay isang makinang kailangang gumana nang gumana sa maghapon para makarami sila.

Kuwento ng aming source, “Kaibigan kasi ng family ni Actress A ang mga tita ni Actress B. Natural, inggit na inggit ang mga tita ni Actress B kay Actress A dahil hindi siya itinutulak ng pamilya niya para magtrabaho nang sagaran.

“Kuwento ng mga tita ni Actress B ay halos wala nang pahinga ang pamangkin nila. May mga pagkakataon daw na antok na antok pa si Actress B dahil madaling-araw na siyang umuwi mula sa pagtatrabaho, pero kailangan na niyang gumising dahil may maaga na naman siyang trabaho.

“Awang-awa sila kay Actress B, umiiyak na lang siya dahil sa sobrang kapaguran. Wala siyang magawa, hindi siya puwedeng umangal, dahil siguradong pagagalitan lang siya ng mommy niya!” umpisang chika ng aming impormante.

Heto na. Kailangang magtrabaho na parang makina ni Actress B dahil nakalaan na pala ang kanyang kikitain sa mga negosyong pinapasukan ng kanyang mga magulang.

Kailangan ding magtrabaho na parang kalabaw ni Actress B dahil may ipinatatayong building ang kanyang pamilya. Kinukuwenta na ng kanyang mga magulang ang mga nakatakdang kitain ni Actress B para maipambili ng mga gamit sa ipinatatayo nilang gusali.

Balik-chika ng aming source, “Gustung-gusto nang kausapin ng mga tita niya ang parents niya, pero hindi nila magawa-gawa dahil may alam silang kuwento.

“May isang relative pala silang nagsabi sa parents ni Actress B tungkol sa sobra na niyang pagod kaya siya sobrang namamayat. Naku, inaway ng mag-asawa ang kamag-anak nilang nagsabi ng ganu’n!

“Talagang minasama ‘yun ng parents ni Actress B, kaya gusto man nilang payuhan ang mga magulang ng girl, e, hindi nila magawa-gawa!

“Sarado na talaga ang isip nila, sarado na ang pang-unawa nila na tao ang anak nila at hindi makina!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! May iba pa ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending