outbrain

It’s Showtime sumablay sa ‘Piling Lucky’ segment; nag-sorry, jackpot ibinigay

By Ervin Santiago February 27,2020
share this

It’s Showtime sumablay sa ‘Piling Lucky’ segment; nag-sorry, jackpot ibinigay

By Ervin Santiago February 27,2020
share this

NAG-sorry ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa madlang pipol matapos sumablay sa kanilang live episode nitong Huwebes, partikular sa “Piling Lucky” segment.

Agad na itinama ng produksyon ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng direktor ng show na si Bobet Vidanes bago ihayag ang Tawag ng Tanghalan’s daily winner.

Sa nasabing segment, tinanong ang jackpot player na si Ginalyn Canillo kung ano sa mga painting na iniharap sa kanya ang naglalaman ng dalawang jackpot prize: isang P550,000 at isang negosyo package.

Ang napili ni Carillo ay ang painting na may matang lumuluha at naglalaman ng limang sako ng bigas.

Pagkatapos nito, hinanap ng mga host na sina Vice Ganda, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz kung nasaan ang dalawang jackpot prizes. Mabilis naman nilang nahanap ang painting kung saan naroon ang P550,000.

Dalawa sa painting ay naglalaman ng stand fan at exhaust fan ngunit ang painting na may negosyo package ay hindi makita. Kaya ang sey ni Vice, “Ayoko nang madamay diyan. Tita Cory (Vidanes), sila na po yan!”

Dito na tinawag ng TV host-comedian ang representative ng ABS-CBN’s internal audit para siya ang magturo sa painting kung saan naroon ang negosyo package pero hindi rin niya ito natagpuan.

“Mamaya po ay ipapaliwanag nila sa inyo, sa ngayon po ay magpa-pause muna tayo. Siyempre, kailangang i-explain nila yan. They have to explain,” pahayag pa ni Vice.

Narito ang pahayag ng programa na binasa ni Direk Bobet Vidanes kasama ang internal audit representative na si Remelyn Rase, “Magandang hapon, madlang pipol. Nagkaroon ng pagkakamali ang Showtime production sa jackpot round ng Piling Lucky kanina. Dahil dito, napagdesisyunan na ibigay sa ating player na si Ginalyn Canillo ang negosyo package. Maraming salamat po, madlang pipol.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending