outbrain

Carla inaatake ng matinding nerbiyos pag kaeksena si Coney

By Jun Nardo February 27,2020
share this

Carla inaatake ng matinding nerbiyos pag kaeksena si Coney

By Jun Nardo February 27,2020
share this

KUNG ayaw tingnan ni Kyline Alcanatara ang mga mata ni Nora Aunor kapag kaeksena niya ito sa Kapuso series na Bilangin ang Bituin sa Langit, ganu’n din pala si Carla Abellana kapag kaeksena niya si Coney Reyes sa GMA primetime series na Love of My Life.

Aminado si Carla na kabado siya kapag si Coney na ang kaeksena niya. Sa kuwento, masungit at over protective na mother in law niya si Coney na ayaw sa kanya, kaya madalas ang banggaan nila.

Walang dudang napakagaling talaga ni Coney sa nasabing Kapuso series kaya naman kailangang pantayan ng kanyang mga co-stars ang husay ng senior actress, huh!

Pero kapag taping breaks, nalaman namin super kalog din ng award-winning veteran actress at hagikgik nang hagikgik sa mga kuwento ng kanyang mga kasamahan sa serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending