Paano na kung nagbago na siya ng ugali? | Bandera

Paano na kung nagbago na siya ng ugali?

Beth Viaje |February 26,2020
facebook
share this

Paano na kung nagbago na siya ng ugali?

Beth Viaje - February 26, 2020 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Ako po si Ms. Joy, 20 years old at mula sa Iloilo.
Magandang araw po sa iyo. May ka-live in po ako, four years na kaming magka-live in, pero wala kaming anak sa four years na magkasama kami.
Bakit nagkaganoon, bigla-bigla na lang siyang nagbago? Maraming dahilan upang magalit ako sa kanya. Dami niyang sinasabi, ano-ano na lang ang pinagsasabi nya sa akin. Kahit na masakit ang mga iyon ay tinitiis ko na lang.
Ano kaya ang dapat kong gawin sa relasyon namin?
Maraming salamat. More power and God bless.
Miss Joy
Hello, Miss Joy
Bakit hindi ka makipag-usap sa kanya? Bakit hindi mo siya tanungin kung bakit ganoon na lamang ang ipinagbago niya. Bakit kailangan mong tiisin ang sinasabi mong pangit na pagtrato niya sa iyo? Ikaw ba, matitiis mo pa ang araw-araw na ganyang trato sa iyo?
Aba’y kausapin mo siya! Hindi iyan masosolusyunan kung wala kang gagawin bukod sa paghingi ng payo.
Bigla-bigla ba talaga siyang nagbago o di mo lang pinapansin ang pagbabago niya?
Minsan kasi tayong mga babae, pinipili nating huwag pansinin yung mga pagbabago ng kapartner natin dahil sinasabi natin na mahal natin sila. Pagkatapos kapag lumampas na sila ng tamang trato sa atin, saka naman tayo papalag. Saka pa lang natin makikita ang mga pagkukulang nila.
Samantalang kung noon pa man, may napansin na tayo, dapat ay kinakausap na natin, nagtatanong na tayo kung ano na ba ang nangyayari sa mga relasyon natin.
Pero hindi, lagi tayong nagsasawalang kibo. Pagkatapos bigla na lang sasabog. Korek ba?
So kung hindi mo na matiis, magtanong ka at sumagot ka! Huwag kang magsawalang-kibo lang. Kayong dalawa lang ang nasa relasyong ‘yan, so kayong dalawa rin ang makapagbibigay ng solusyon sa problema ninyo.
Kung sa pag-uusap ninyo ay mukhang walang mareresolba, e di timbangin mo ang mga susunod na pwede mong gawin. Kaya mo bang makipaghiwalay sa kanya?
Tama na siguro ang apat na taon na masaya kayo kaysa pagtiisan ninyo na lang ang isa’t isa sa mga susunod na taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending