NCRPO naka-red alert sa EDSA People Power anniversary
SINABI ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang banta sa pagdiriwang ngayong araw ng ika-34 anibersaryo ng Eds People Power, bagamat naka-red alert ang kapulisan sa Metro Manila.
“Walang imminent threats kaming natatanggap from other [intelligence] community dito sa NCR,” sabi ni National chief Maj. Gen. Debold Sinas sa isang press conference sa Camp Karingal.
“[But] we will be deploying our personnel for any eventualities… Ito po ay just preparation of any eventualities na gagawin po namin,” dagdag ni Sinas.
Sa ilalim ng red alert status, naka-standby ang lahat ng mga pulis sa NCR at nakahandang italaga kung kinakailangan.
Simula alas-4 ng umaga naka-res alert na ang buong NCPO.
Sinabi ni Sinas na apat na lugar ang sinasabing “areas of concern” kung saan inaasahan ang mga rali.
Kabilang dito ang National Housing Authority, ang Philippine Coconut Authority, ABS-CBN compound, ang Welcome Rotonda, Quezon City.
Inaasahan ang programa para sa Edsa People Power Revolution alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.