Coco: Nagkakaisa kami hindi para manggulo o maghamon ng laban... | Bandera

Coco: Nagkakaisa kami hindi para manggulo o maghamon ng laban…

Reggee Bonoan - February 23, 2020 - 12:05 AM

JOHN PRATS, COCO MARTIN AT RAYMART SANTIAGO

PINANGUNAHAN ni Coco Martin kasama ang buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang prayer rally para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN nitong Biyernes.

Ang ilan sa nakitang dumalo ay sina Yassi Pressman, Empoy Marquez, Rowell Santiago, Jaime Fabregas, Angel Aquino, John Prats, Barbie Imperial, Isabelle de Leon at Joel Torre.

Naroon din si Jericho Rosales na nagsabing dumalo siya para makiisa sa ipinaglalaban ng network at nakiusap sa franchise renewal. Nahagip din ng TV camera si Angeline Quinto at marami pang iba.

Base sa panayam kay Mr. Fabregas na gumaganap bilang si Director Delfin Borja sa Probinsyano, “Kung tama lang sana, kung pinapadaan nila sa proseso, okay lang. Pero kung dinadaan nila sa brasuhan, ‘yan naman po ay ‘di tama. Kasi ang mangyayari niyan eh, wala na tayong check and balance niyan, eh.

“Kung hawak na nila lahat, wala ng mangyayari sa lipunan natin. ‘Di lang para sa mga artista or workers ng ABS-CBN ‘yan, kasi sa tingin ko, ito’y umpisa pa lang. Kapag nanalo sila dito, itutuloy nila yung iba pa.

“Suppression of freedom of expression. If it can happen to us, it can happen to everybody,” say naman ni Angel bilang si Diana Olegario.

At ang mensahe niya sa gobyerno, “It’s unconstitutional, what you are doing. Sana ‘yung mga nakaupo pag-isipan nilang mabuti ‘yung ginagawa nila sa atin at sa buong bayan.”

Pahayag naman ni Joel, “Ito ay pagtapak sa karapatan natin sa industriya. Ang trabaho naman talaga ng industriya is to inform the public, educate the public, entertain, and to expose whatever needs to be exposed.”

Sabi naman ng actor-director na si John, “This is the first time I’ve experienced this. Kaming mga artista, tayong lahat ng mga empleyado, all we do is to entertain our Kapamilyas. ‘Yun lang naman ‘yung sa ‘tin, magbigay ng hope, inspiration, happiness sa kanila. That’s why we do comedies, we do dramas, we do news.

“Sayang dahil matatanggalan ng madaming tao na mabigyan ng opportunity na maibigay ‘yon sa ating mga Kapamilya,” aniya pa.

Sabi naman ni Empoy, “Hopefully, I pray na hindi na matuloy. Sana madaan sa maayos na usapan, everyone will be enlightened. Tayo ay iisang Pilipino at tayo ay dapat magtulungan. Kung ano man yung mga problema, mapag-uusapan yan. Important is, and pag pray natin kay God. Siya ang nakakaalam ng lahat.”

Narito naman ang madamdaming pahayag ni Coco, “Unang-una, nakikiisa ako sa lahat ng nagta-trabaho sa ABS-CBN, Sabi ko nga po, e, napakalaki ng utang na loob ko, napakalaki ng naitulong sa akin ng network.

“Hindi ko hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, pinagkakauntangan ng loob ng maraming empleyado na nagbibigay sa amin ng hanapbuhay upang matupad ang aking mga pangarap ay maglalaho na lamang bigla.

“Narito kami para ipakita na nagkakaisa kami hindi para maghanap ng gulo o maghamon sa kahit anong laban. Nandito kami para humingi ng tulong para ipanalangin na sana ay bigyan ng linaw ng kalooban, ng pag-iisip ng senate, ang lahat ng mga bumubuo ng dapat magbigay ng prangkisa para sa ABS-CBN.

“Kinakailangan naming ipakita an gaming suporta, hindi lang kami, hindi lang ang lahat ng nagta=-trabaho sa ABS-CBN kundi ang lahat ng mga Pilipino kasi hindi natin dapat pigilan ang tao na makapagsalita, kailangan maging malaya pa rin tayo kung ano ang opinyon at saloobin natin.

“Kailangan mapanindigan at masabi natin kung anong nararamdaman natin tungkol sa mga bagay-bagay sa ating bansa,” aniya pa.

Bago nangyari ang prayer rally sa paligid ng ABS-CBN building sa Quezon City ay nagsalita muna sa unang pagkakataon ang Presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Lopez Katigbak tungkol sa prangkisa ng network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit ni Mr. Katigbak ang layunin ng ABS-CBN at ang kanilang serbisyo sa nakaraang 65 taon at inaming hindi sila perpekto at handang itama ang mga pagkukulang. Pinasalamatan din niya ang lahat ng kapwa empleyado sa ipinakitang suporta ng Kapamilya network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending