Mariel ayaw makialam sa isyu ni Robin sa ABS-CBN | Bandera

Mariel ayaw makialam sa isyu ni Robin sa ABS-CBN

Reggee Bonoan |February 22,2020
facebook
share this

Mariel ayaw makialam sa isyu ni Robin sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - February 22, 2020 - 12:15 AM

ROBIN PADILLA AT MARIEL RODRIGUEZ

Hindi pa rin humuhupa ang isyu ni Robin Padilla sa ABS-CBN kahit humingi na siya ng sorry sa nakasagutang TV executive na si Ethel Espiritu. Patuloy pa rin kasi itong nagsasalita konta sa Kapamilya network na naging tahanan din niya nang ilang taon.

Binanggit naman ni Robin na pinasasalamatan niya ang ABS-CBN sa pagbibigay nito ng trabaho sa mga kapamilya niya tulad ng kapatid na si Rommel Padilla na nasa A Soldier’s Heart, pamangkin na si Daniel Padilla, manugang na si Aljur Abrenica (asawa ng anak niyang si Kylie Padilla), mga pinsan na sina Amy Perez, Zsa Zsa Padilla at anak nitong si Karylle at ang asawang si

Mariel Rodriguez na bahagi naman ng It’s Showtime (pansamantalang naka-leave).

Pero hindi raw nito saklaw ang damdamin ng kanyang mga kaanak at hindi rin niya hinihiling na suportahan siya sa kanyang mga ipinaglalaban. Habang tinitipa namin ang balitang ito ay hiningan namin ng reaksyon ang asawa ni Binoe na si Mariel pero hindi kami sinagot.

Tinanong namin kung kailan ang balik niya sa Showtime bilang isa sa host, “After ko mag-breastfeed,” birong sagot sa amin ni Mrs. Padilla. Aniya, baka raw isang taon pa bago siya makabalik.

Sa hindi pagsagot ni Mariel tungkol sa ipinaglalaban ng asawa sa ABS-CBN naniniwala kaming ayaw na niyang makialam at lumaki pa ang issue.

Sabagay, wala naman naging problema si Mariel sa ABS simula pa noong dalaga siya hanggang sa nag-asawa at nagkaanak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending