Julia nang malamang makakatambal si Tony: Ooohhh…maraming laplapan?!
“MARAMING laplapan?!” Yan ang mabilis na tanong ni Julia Barretto nang malanang si Tony Labrusca ang makakatambal niya sa susunod na proyekto.
Si Julia ang leading lady ni Tony sa pinakabagong digital series ng iWant, ang “I AM U”. Sa nakaraang presscon ng serye, inamin ng Kapamilya actress na sobrang na-excite siyang gawin ito dahil for the first time, sasabak siya sa dual role.
“Nu’ng pinitch pa lang sa akin na Tony Labrusca, sabi ko, ‘Oooh maraming laplapan? Ha-hahaha! Kasi, di ba, galing siya sa ‘Glorious,’ tapos sabi ko ‘Oh, so maraming ganu’n?’” natatawa pang lahad ni Julia.
Dugtong pa niya, “I heard of Tony first du’n sa ‘Glorious,’ so sa akin, bago ko pa siya na-meet, parang ganu’n na talaga yung image niya na sexy, hot and steamy.” Ang “Glorious” na tinutukoy ng dalaga ay ang iWant movie nina Tony at Angel Aquino na may temang May-December love affair.
At dito nga sa “I AM U” may mga intimate scenes din sila ni Tony pero hindi na niya idinetalye kung gaano ito katindi. Basta aniya, “It was so nice to work with Tony, it was so easy to converse with him. To me, it’s important to converse with your leading man so that you find a certain type of comfortability and that you trust him like sa kissing scenes, sa mga intimate scenes.”
Ayon naman kay Tony, ibang klase rin ang mga ginawa nilang eksena ni Julia sa “I AM U” kaya ayaw niya itong ikumpara sa mga ginawa niya sa “Glorious” at iba pa niyang pelikula. Pero aniya, “refreshing” ang experience niya sa nasabing iWant series.
“For the first time, I got to work with someone na kasing-age ko (almost my same age). It was always like a different rapport and a different type of chemistry na I had with the other leading ladies, kasi they knew so much more than I did, they’ve been in the industry so much longer,” paliwanag ng hunk actor.
Samantala, mas gusto ni Julia na magsolo muna at maitambal sa iba pang magagaling na aktor, “At this point, feeling ko I’m just very, very grateful that I’ve been trusted with projects that are not the usual that I’ve done before. I’m glad na nakakapaglaro na ako. I’m just very excited kasi magkakaroon na ako ng opportunities with other actors and actresses. Graduate na ako sa being permanent in a love team.
“Don’t get me wrong. I have graduated from that phase in my career. And ‘yung kilig naman you know I still enjoy doing rom-coms. And hopefully I can still do rom-dramas and more edgier roles,” aniya pa.
Sa bagong iWant series na “I AM U”, sunod-sunod na kamalasan at pagkamatay ang haharapin ni Julia matapos papasukin sa kanyang buhay ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya.
Dito tampok ang magkatulad sa itsura ngunit magkasalungat sa kinalakihan na sina Elise, na lumaki sa layaw, at Rose, na walang-wala sa buhay. Magtatagpo ang landas nila nang iligtas ni Rose si Elise. Dahil sa pagtanaw ng utang na loob, ituturing ni Elise na kambal si Rose, at papapasukin ito sa marangya niyang pamumuhay.
Dahil unti-unting magiging komportable si Rose sa bago niyang mundo, maiinggit si Elise at nanaising mamatay na sana ito.
Ang “I AM U” ay mula sa direksyon ni Dwein Ruedas Baltazar mula sa Dreamscape Entertainment at IdeaFirst Company. Kasama rin dito sina Ina Raymundo, Richard Quan, Cedrick Juan, Kokoy De Santos, Adrianna So, Claire Ruiz, Lander Vera Perez, Yayo Aguila at Jenny Miller.
Panoorin ang “I AM U” simula Peb. 26 (Miyerkules) sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.