Tigasing opisyal hanap ay PR para mapaganda ang image | Bandera

Tigasing opisyal hanap ay PR para mapaganda ang image

Den Macaranas - February 21, 2020 - 12:15 AM

PARA palang nagsa-shopping ngayon sa mall ang isang mambabatas.
Pero hindi siya namimili ng mga personal na gamit kundi naghahanap ng mahusay na PR firm na hahawak sa kanyang walang kabuhay-buhay na public image.
Tila kahit anong isyu kasi ang sakyan ni Sir ay sablay ang dating sa publiko dahil hindi niya kalkulado ang resulta ‍
ng mga pinakakawalan niyang pananalita.
Bukod sa hindi articulate si Sir ay may ugali pa itong sanggano.
Marahil ito ay resulta ng mahabang panahon na kanyang ginugol sa dati niyang pwesto sa pamahalaan bago siyang naging mambabatas.
Naghahanap ngayon ng grupong magpapaganda sa kanyang imahe sa publiko si Sir pero gusto raw niyang mapanatili ang kanyang “macho image”.
Malaki kasi ang kanyang paniniwala‍
na ito ang nagpanalo sa kanya sa nakalipas na halalan.
At mukhang kumbinsido ako dito lalo’t hanggang ngayon ay walang sense ang kanyang mga ‍
pinagsasabi sa mga isyu sa bansa.
Sadyang maswerte lamang ang mamang ito dahil nadikit ang kanyang pangalan sa isang pulitiko na hanggang ngayon ay kinagigiliwan ng maraming Pilipino.
Di na natin kailangan ng matigas na clue dahil siya ay si Mr. R….as in Rock.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending