Rocco mas naging close kay Dingdong dahil sa DOTS; ipinagluto pa ni Marian
MAS naging close pa sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino nang dahil sa teleserye nilang Descendants of the Sun sa GMA 7. Gumaganap si Rocco bilang si Technical Sergeant Diego Ramos a.k.a. Wolf habang si Dingdong naman ay si Captain Lucas Manalo o Big Boss.
Ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawa sa isang serye, “Magkaibigan na kami ni Dong, pero nu’ng ginawa namin itong DOTS, feeling ko mas nakilala pa namin ang isa’t isa. May mga courtesy calls kami sa mga AFP events, tapos after, magla-lunch date kami ni Dong. Tapos mag-uusap kami tungkol sa buhay bilang kaibigan. May mga tinatanong din ako tungkol sa buhay, about his family.
“Tapos isasama niya ako sa bahay niya, makikipaglaro ako kay Zia, kay Ziggy. Si Marian pinaghandaan kami ng lunch, ang sarap, grabe! Tapos nakikipaglaro ako sa mga bata.
“Ayun those are the little things na naging bonding namin kaya mapapanood niyo sa serye na ‘to yung chemistry ni Big Boss saka ni Diego. Kailangan kasi makita yun na iba ako kay Moira (Jasmine Curtis), pero iba rin ako kay Lucas.
“So parang free na free ako kapag kasama ko siya. So I think na-create yun habang nagba-bond kami. I have Dong to thank actually kasi minsan siya mismo nag-i-initiate, ‘Tara bro, kain tayo, kuwentuhan tayo.’ Napakalaking bagay yun to establish yung best friend relationship,” aniya pa.
“I consider him a good friend! Iyon ang masasabi ko at this stage talaga. Na-appreciate ko yung mga invites niya sa bahay nila,” pahabol pa ng binata.
Samantala, sa lahat ng mga naaadik na sa DOTS, napakarami pang pasabog ng serye lalo na kapag nagsama na sina Big Boss at Dra. Maxine dela Cruz o Beauty na ginagampanan ni Jennylyn Mercado, sa lugar na kung tawagin ay Urdan. Ito ‘yung lugar kung saan pareho silang maa-assign bilang sundalo at doktor kasama ang kani-kanilang grupo.
Dito rin magaganap ang iconic “scarf scene” na talagang kinakiligan sa original version ng Korea. Makakasama rito ang medical team na binubuo nina Renz Fernandez (Dr. Earl Jimeno), Chariz Solomon (Nurse Emma Perez), Andre Paras (Dr. Ralph Vergara), Nicole Donesa (Nurse Via Catindig) at Jenzel Angeles (Nurse Hazel Flores).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.