Pares vendor binaril, ninakawan | Bandera

Pares vendor binaril, ninakawan

John Roson |February 19,2020
facebook
share this

Pares vendor binaril, ninakawan

John Roson - February 19, 2020 - 03:20 PM

MALUBHANG nasugatan ang isang vendor ng pares at mami nang barilin at pagnakawan pa ng armadong lalaki, sa Port Area, Manila, nitong Martes.

Naka-confine sa ospital si Samson Bautista, 41, dahil sa tama ng bala sa leeg, ayon sa ulat ng Manila Police District Station 5.

Naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling-araw, sa Batang Bayani st., Baseco Compound, Brgy. 649.

Iginagarahe ni Bautista ang kanyang food cart ng pares-mami nang biglang dumating ang isang lalaki, na biglang bumunot ng baril at sinunggaban ang kanyang sling bag, ayon sa ulat.

Nang tumanggi si Bautista na ibigay ang bag ay bigla siyang pinaputukan sa leeg ng armado, ayon sa pulisya.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang salarin, na agad tumakas dala ang bag ni Bautista matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending