Negosyante tinodas, kagawad arestado | Bandera

Negosyante tinodas, kagawad arestado

John Roson - February 19, 2020 - 03:16 PM

ARESTADO ang isang barangay kagawad matapos nitong mapatay sa barilan ang isang negosyante, sa Calaca, Batangas, Martes ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang negosyanteng si Reymundo Endozo, 36, residente ng Brgy. Sinisian, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Naaresto naman si Manuel Del Rosario, kagawad ng Brgy. Caluangan, sa follow-up operation.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30, sa Brgy. Sinisian.

Nasa isang gasolinahan noon si Del Rosario nang dumating si Endozo at bigla umano siyang sinuntok sa likod ng ulo, ayon sa ulat.

Nanakbo ang kagawad matapos makipagpambuno, pero sinundan ni Endozo na noo’y may dalang baril.

Kasunod nito’y nagbarilan na ang dalawa at doon tinamaan at napatay si Endozo, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending