Hamon ni DJ Chacha kay Bato: Mag-resign sa Senado at mag-apply na lang na bodyguard ni Duterte | Bandera

Hamon ni DJ Chacha kay Bato: Mag-resign sa Senado at mag-apply na lang na bodyguard ni Duterte

Ervin Santiago - February 19, 2020 - 01:22 PM

HINAMON ng kilalang radio jockey na si DJ Chacha o Czarina Balba sa tunay na buhay si Sen. Bato dela Rosa matapos nitong ibandera sa madlang pipol na handa siyang mamatay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapang na sinabihan ni DJ Chacha ang senador na magbitiw na ito bilang senador at mag-apply agad bilang bodyguard ng Pangulo dahil sa pambihirang loyalty nito kay Digong.

“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” ang hugot ng radio personality sa kanyang Twitter account.

Dagdag pa niya, “Naniniwala akong mas mahal ni Bato ang Pangulo kaysa sa asawa niya. Nangako pa hanggang kamatayan! Taray! IBA. #itopoangbinotoniyo.”

Huling hirit pa ni Chacha, “Yan ang mahirap kapag mahilig kayong bumoto ng mga politikong PUPPET ang role sa gobyerno. Wag kang umasa na marunong silang tumayo at ipaglaban ang tama kase nagfufunction ang utak nila alinsunod sa pinuno nila.”

Kahapon, sinabi ni Bato na handa siyang mamatay para kay Duterte kasabay ang pag-amin na bias siya dito sa gitna na rin ng issue sa franchise renewal ng ABS-CBN, “Ako, I will live and die with President Duterte. I will sink and swim with him. Hindi ako plastic na magsabing wala akong bias. Totoong tao ako na magsabi na may bias ako towards the President.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending