Sikat na female celeb minalditahan, tinalakan ng inggiterang singer | Bandera

Sikat na female celeb minalditahan, tinalakan ng inggiterang singer

Cristy Fermin |February 19,2020
facebook
share this

Sikat na female celeb minalditahan, tinalakan ng inggiterang singer

Cristy Fermin - February 19, 2020 - 01:00 AM

SUMASALUDO ang maraming kasamahang artista, katrabaho at kapamilya ng isang sikat na female personality sa kababaan ng kanyang kalooban. Ni minsan ay hindi siya nasangkot sa anumang isyu ng kamalditahan.

Maraming nagpapatotoo na wala sa kanyang bokabularyo ang pagmamaangas, todo-pasa lang siya sa mga pagkukulang ng kanyang kapwa, dahil ang kanyang katwiran ay hindi rin naman siya perpekto.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan, e, pinagmalditahan siya ng isang co-performer niya, kung anu-anong salita ang ibinabato laban sa kanya. Pero alam n’yo bang ni hindi man lang siya lumaban sa hitad na singer na ‘yun?

“E, kayang-kaya niya namang sumagot sa mga pagmamaldita sa kanya, nasa tama naman siya, pero talagang mabait siya! Matindi kasi ang inggit sa kanya ng female singer, kaya pinag-iinitan siya!” buwena-manong chika ng aming impormante.

Kapag punumpuno na ng sama ng loob ang female singer ay iniiyak na lang niya ‘yun. Sinasarili niya na lang ang lahat at never siyang maririnig na nagsasalita laban kaninuman.

Balik-komento ng aming source, “Talagang mabait siya, maganda ang breeding niya, napakahaba ng pasensiya niya. Kaya kapag nagrebelde ang female singer na ‘yun, e, alam na!

“Hindi na kayang dalhin ng dibdib niya ang sama ng loob, bibigay na talaga siya, kaya madali siyang intindihin! Sasambulat ang sama ng loob niya kapag nangyari ‘yun!” madiin pa ring sabi ng aming impormante.

Ano nga ba ang magiging dahilan kapag nagrebelde na ang female singer na kilalang-kilala sa pagiging mabait? May kinalaman ba ‘yun sa personal niyang buhay?

Kuwento uli ng aming source, “Mismo! ‘Yun lang ang magiging dahilan ng pagrerebelde niya kung sakali. Sobra na naman kasi ang inaabot na problemang personal ng girl.

“Marami na siyang isinakripisyo, pero hanggang ngayon, e, wala pa rin siyang kalayaang gawin kung ano ang gusto niya. At her age na lampas na treinta na siya, ha?

“Kaya kapag nangyari ‘yun, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! Hindi na talaga siya nakapagtimpi!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending