Lani ibinuking na hindi katabi si Bong nu'ng V-Day | Bandera

Lani ibinuking na hindi katabi si Bong nu’ng V-Day

Julie Bonifacio |February 19,2020
facebook
share this

Lani ibinuking na hindi katabi si Bong nu’ng V-Day

Julie Bonifacio - February 19, 2020 - 12:45 AM

BONG REVILLA AT LANI MERCADO

IDINAAN sa biro ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang pagkukuwento nang hindi niya makatabi sa pagtulog nu’ng eve ng Valentine’s Day si Sen. Bong Revilla.

Naibahagi ‘yan ni Mayor Lani during her speech sa Kasalang Bayan sa Strike Gym, Bacoor Government Center (BGC), Molina Boulevard, Bacoor City, Cavite nitong nakaraang Araw ng mga Puso.

“Alam ko naman po kung nasaan siya. Meron po kasi kaming aanakin sa Pampanga. Kaya kailangan nandoon na siya. Ayan po, sinorpresa po niya ako ng rosas sa Valentine’s Day,” lahad ng actress-politician.

Pagpasok pa lang daw niya sa Strike Gym ng BGC, may sorpresa na agad sa kanya si Sen. Bong, “May regalo na agad ang aking asawa. Wala po siya kagabi. Meron po siyang pinuntahan na important meeting. Sana nga, meeting. At wala siyang ibang kasama. Ha-hahaha!”

After the ceremony ay nakausap namin si Mayor Lani at ikinuwento niya ang naging proseso ng Kasalang Bayan sa Bacoor.

“Ginagawa namin ‘to tuwing Valentine’s Day. Espesyal ang aming treat para sa ating mga ikinakasal. Target sana namin 100 couples kaya lang may mga hindi nakarating. May nanganak, may nag-abroad. So, I think we had around 96 couples. Tapos kakaiba ang ating pagbibigay ng payo, may halong mga awitin,” lahad niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending