K Brosas nagpabarang: Hindi ko alam kung ano ang sakit ko! | Bandera

K Brosas nagpabarang: Hindi ko alam kung ano ang sakit ko!

Julie Bonifacio - February 19, 2020 - 12:40 AM

K BROSAS

Walang takot na inamin ng komedyante at singer na si K Brosas ang kanyang karamdaman sa “Magandang Buhay” kamakailan na ikinagulat ng mga host na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Bianca Gonzales (guest co-host).

Sa umpisa, hindi raw malaman ng tumingin kay K kung ano talaga ang kanyang sakit, “E, kasi, nagpabarang ako. Oo, umabot ako sa ganoon, mga tawas-tawas. Kasi nga, 14 years ago, sabi ko, ‘Ano’ng nangyari sa akin?’ ‘Bakit lagi akong nasa emergency room?’ Natsine-tsek-up ako, physically healthy (ang resulta).

“Sabi ko, ‘Why am I experiencing na para akong nai-stroke?’ Tapos, naggaganyan (naninigas na parang nanginginig) ‘yung kamay ko, nagsi-seizure,” kwento ni K na namayat nang todo that time.

“Kung nakita ninyo, kahit i-check n’yo yung records ko wala, pati thyroid. ‘Yun yung pinaka-last na tsinek. Nakakaloka! Sa personality ko naman I’m healthy as a horse. Eh, ano, nadedemonyo ba ako? Ano’ng nangyayari sa akin? Mga ganu’ng eksena na nakakaloka!

“Tumawag kayo nang mangkukulam! Ganu’n na ako. Alam mo yung nakakatawa ito sa buhay ko. Yes, para akong tinapa. Oo, dinaig ko pa ang tinapa, ‘Day!” kuwento ng singer.

Na-diagnose raw si K Brosas ng Chronic Anxiety Disorder. Minsan may trigger – sobrang saya, sobrang tense.

Pinuri naman ng mga momshie ng ‘”Magandang Buhay” si K sa pakikipaglaban niya sa kanyang karamdaman. Sabi pa ni K, feeling niya, dahil sa kanyang karamdaman she has a purpose to help those na kaparehas niya na may ganitong sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending