Ellen may hugot sa iba't ibang uri ng isda; idinaan sa biro ang pagiging single | Bandera

Ellen may hugot sa iba’t ibang uri ng isda; idinaan sa biro ang pagiging single

Bandera |February 19,2020
facebook
share this

Ellen may hugot sa iba’t ibang uri ng isda; idinaan sa biro ang pagiging single

Bandera - February 19, 2020 - 12:20 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

TILA kinumpirma na nga ni Ellen Adarna na ang chika na matagal na silang hiwalay ni John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay wala pang official statement ang dating magka-live in tungkol sa kanilang break-up. Mula pa noong maging magkarelasyon sila hanggang sa magkaroon na ng anak ay dedma lang ang dalawa sa panawagan ng madlang pipol na once and for all ay magsalita na about their status pero nganga pa rin.

Pero sa latest post ni Ellen sa kanyang Instagram Stories mukhang totoong wala na sila ni Lloydie.

Caption ng sexy star sa litratong ipinost niya kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng isda na nakakatakot ang mga itsura, “When you’re single and people tell you there are plenty of fish in the sea, these are the fish.” Hirit pa ni Ellen, “Asa ang Arowana?” Naka-tag pa rito ang mga BFF niyang singer na si Kate Torralba at furniture designer Vito Selma.

At dahil dito, marami nga ang nagkomento na back to being single na si Ellen kaya madalas na uli itong nakikita sa mga party at ine-enjoy ang company ng kanyang mga friends.

May balita rin na may bago nang dyowa ang sexy actress matapos itong mag-post ng ilang litrato sa IG kasama ang isang foreigner na nagngangalang Carlos Lemus Madrid na kuha sa pagbabakasyon niya sa Madrid last month.

Pero ang tanong ng netizens, paano nga kaya ang usapan nina John Lloyd at Ellen tungkol sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang one-year-old son na si Elias? Wish nila na sana’y maayos ang kanilang arrangement para lumaking maayos at mabuting bata si Elias.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending