Palasyo itinanggi na medical plaster ang nasa kanang kamay ni Duterte | Bandera

Palasyo itinanggi na medical plaster ang nasa kanang kamay ni Duterte

Bella Cariaso - February 18, 2020 - 05:05 PM

ITINANGGI ng Palasyo na medical plaster ang nakalagay sa kanang kamay ni Pangulong Duterte matapos pangunahan ang aktibidad sa Sangley  Airport, sa Sangley Point, Cavite noong Sabado.

“That’s more symbolical of his wanting peace in the Philippines,” giit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“No, it’s not a medical plaster,” ayon pa kay Panelo.

Inihambing pa ni Panelo ang puting wrist band ni suot ni Duterte sa inilalagay ni dating pangulong Joseph Estrada.

“Eh parang ano iyan, parang kay Erap, iyong mga wrist band. Hindi ba si Erap mayroong white. Ako rin mayroon tignan mo, pula naman iyong akin,” giit ni Panelo.

Tiniyak ni Panelo na malusog ang pangangatawan ni Duterte.

No. You know, the President will tell us if he is not feeling well. He tells us … wala  ngang tinatago ‘di ba? Lahat sinasabi niya sa atin,” sabi pa ni Panelo.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending