Fishing boat pinasabugan: 3 mangingisda patay | Bandera

Fishing boat pinasabugan: 3 mangingisda patay

John Roson - February 18, 2020 - 12:18 PM

TATLONG mangingisda ang nasawi nang sumabog ang dinamitang hinagis ng mga di pa kilalang salarin malapit sa kanilang bangka, sa bahagi ng dagat na sakop ng Balud, Masbate, Lunes ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi bilang sina Arthur Villaruel, Lito Salvana, at Rosel Reyes, pawang mga residente ng Brgy. Panubigan, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Pinalad namang di nasaktan ang mga kasamahan nilang sina Jomar Dela Cruz, 32; at Noli Almoguera, 35.

Nangingisda ang lima sa bahagi ng dagat na malapit sa Brgy. Danao dakong alas-9 nang maganap ang pagsabog.

Dumating ang isang grupo ng kalalakihang sakay ng bangkang de motor at biglang naghagis ng dinamita, na sumabog 15 metro lamang mula sa bangka ng mga mangingisda.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.

Naganap ang insidente halos isang linggo pa lamang matapos ding pasabugan ng mga lalaking sakay ng bangkang de motor ang isang roll-on/roll-off ferry sa San Pascual, doon din sa Masbate, noong Pebrero 11.

Walang nasawi o nasaktan sa unang insidente, pero napinsala ang ferry sa pagsabog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending