Mga Pinoy sa Amerika may hiling kay Alden | Bandera

Mga Pinoy sa Amerika may hiling kay Alden

Cristy Fermin - February 18, 2020 - 12:55 AM

ALDEN RICHARDS

Maraming naghahanap kay Sep, ang karakter na ginampanan ni Alden Richards sa katatapos lang niyang seryeng The Gift, wala na raw silang matutukang palabas ngayon ng Pambansang Bae.

Meron naman siyang Centerstage ngayon, pero ang hinahanap ng mga tagahanga ng singer-actor ay ang mahusay niyang pagganap, napakalayo na kasi ng inilalakbay ng husay niya sa pag-arte.

Sabi ng kaibigan naming si Liza na talagang walang gabing pinalampas nu’ng panahon ng The Gift, “Namimili pa ako ngayon ng susubaybayan kong serye, ‘yung pagtutok na ginawa ko nu’ng sa The Gift.

“May mga pinanonood ako ngayon, pero alam mo ‘yung panonood na hindi naman tutukan? Puwedeng masilip ko, puwede rin namang hindi, malayo sa ginawa kong gabi-gabi talagang pagtutok sa serye ni Alden,” pag-amin ng aming kaibigan.

Alam ng GMA 7 kung ano ang kanilang gagawin sa pinakapambato nilang artista ngayon, sila ang nagpaplano para sa karera ni Alden, sila ang mas nakakaalam kung ano ang makagaganda sa career ng kanilang prized possession.

May mga balikbayan kaming kaibigan na isa lang ang hiling sa amin, ang makita nang personal si Alden bago sila bumalik sa Amerika, hindi na raw nila palalampasin pa ang pagkakataong ito.

Panahon talaga ngayon ni Alden Richards, sa tanggapin o sa hindi ng mga taong hindi masaya sa kanyang tagumpay, dahil ‘yun ang totoo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending