Epal na aktor walang trabaho kaya puro reklamo; insecure sa mga sikat | Bandera

Epal na aktor walang trabaho kaya puro reklamo; insecure sa mga sikat

Cristy Fermin |February 18,2020
facebook
share this

Epal na aktor walang trabaho kaya puro reklamo; insecure sa mga sikat

Cristy Fermin - February 18, 2020 - 12:50 AM

MARAMING naaawa sa isang kilalang female personality na parang walang magawa sa mga pinagsasasabi ng taong napakalapit sa kanyang puso.

Ang male personality na panay-panay ang kuwento ngayon ng kung anu-ano tungkol sa kanyang mga kapwa artista ang tinutukoy sa kuwentong ito.

Komento ng isang source, “Nakakaawa naman ang girl, parang tau-tauhan lang siya sa buhay ng taong mahal na mahal niya. Mukhang ni hindi niya masabihan ang taong ‘yun na tumigil na sa kanyang mga hanash!

“Dahil kung meron, e, di sana naman, pumepreno ang dila ng lalaking ‘yun!” nakataas ang kilay na umpisang pagpansin ng aming impormante.

Maraming sinasagasaan ngayon ang kilalang male personality, wala siyang kinatatakutan, binabangga niya ang maraming sikat na artista.

Balik-kuwento ng aming source, ang mga ginagawa niya ngayon, e, paglalantad lang ng kung ano ang nararamdaman niya. Tapos na kasi ang time niya, kaya ang buhay na pinanghihimasukan niya ngayon, e, ‘yung mga napapanahong artista!

“Ano ang ibig sabihin nu’n, di ba, inggit? Kasi nga, malakas ngayon ang mga artistang hinahamon niya. Ano na ba kasi ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“Ang pakikisawsaw sa maraming isyu, ang hamunin ang mga pulitikong kontra sa super-iniidolo niyang pulitiko! Pero hindi niya maitatago ang pagiging insecure sa mga sikat na artista ngayon, ‘yun lang ‘yun!” dagdag na komento pa ng aming impormante.

Maraming natatakot sa bibig ng male personality, wala kasing control ang kanyang pagsasalita, kaya siguradong marami pang personalidad ang aatakihin niya isang araw.

Sabi naman ng isa pang source, “Pati babae, pinapatulan niya kapag kumokontra sa mga punto niya! Napakaganda pa naman ng image niya nu’n, marespeto siya sa mga kababaihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero ngayon, kahit sino, pinapatulan niya! Masyado nang patolah ang male personality na ‘yun! Palibhasa, wala siyang pinagkakaabalahang trabaho, kaya ang dami-dami niyang time sa pagkuda!” pagtatapos ng aming source.

Alam na this, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang iba pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending