Boy: Walang ginagawang masama ang ABS-CBN...ilalaban natin ito | Bandera

Boy: Walang ginagawang masama ang ABS-CBN…ilalaban natin ito

Julie Bonifacio |February 17,2020
facebook
share this

Boy: Walang ginagawang masama ang ABS-CBN…ilalaban natin ito

Julie Bonifacio - February 17, 2020 - 12:30 AM

BOY ABUNDA

NAGING emosyonal ang King of Talk na si Boy Abunda habang sini-share sa “Tonight With Boy Abunda” ang kanyang nararamdaman sa pagsampa sa korte ng kaso laban sa ABS-CBN.

Malapit sa puso niya ang ABS-CBN dahil una, ang kanyang ina na si Nanay Lesing Licerna ay mahal na mahal ang TV network nu’ng nabubuhay pa, at pangalawa, more than 20 years na siyang Kapamilya.

“Tuwing tinatanong ako ng nanay ko ukol sa problema sa prangkisa ng ABS-CBN, I’ve worked here for over 20 years. Sinasabi ng nanay, ‘sana, huwag ipasara kasi kapag wala ka sa bahay, ito ang kasama ko at alam ko na nariyan ka,” kwento ni Kuya Boy.

“This is very personal. Para sa aking ina, pag nakikita niya ang ABS-CBN, alam niyang safe ako, nandiyan ako, nagtatrabaho ako at uuwi ako sa kanya.

“Wala hong ginawang masama ang ABS-CBN, ilalaban ho natin ito nang maayos. We’ll continue to do what is right,” sabi pa ng King of Talk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending