Retokadang aktres ingrata, basta na lang nilayasan ang mayamang bf
NU’NG hindi pa nagpapalit ng pangalan ang isang sexy actress at hindi pa niya literal na ipinababago ang kanyang itsura ay maraming kuwentong pinagpipistahan tungkol sa kanya.
Produkto ng isang talent search ang female personality, pero hindi niya nakuha ang titulo, naging isa lang siya sa marami.
Bigla siyang nawala, sa kanyang pagbabalik ay may bago na siyang itsura, nagmumura na ang kurbada ng kanyang katawan.
Manghang-mangha sa bago niyang itsura ang mga taong sumuporta sa kanya nu’n na ni hindi man lang niya binalikan para pasalamatan.
Kuwento ng isang source, “Nu’ng nangangailangan ng boto ang babaeng ‘yun sa sinalihan niyang talent search, e, may kinarelasyon siyang anak-mayaman.
“Ang dami-daming naitulong sa kanya ng guy, talagang pati ang mga empleyado nila sa isang malaking office, bumoto para sa babaeng ‘yun nang hindi siya mapag-iwanan sa bilangan.
“Nagpanggap pa ngang mayaman ang hitad, dumarating siya sa set na ang gamit niyang mga kotse, e, puro pangyayamanin. Iba-ibang klase ‘yun, na ang press release niya, e, binili ng daddy niya para sa kanya.
“Wrong ang press release niya, mga sasakyan ‘yun ng boyfriend niya na talagang yayamanin! Pero ano ang ginawa niya nu’ng matapos na ang pa-contest?
“Pinagtaguan na niya ‘yung guy, nagpalit siya ng number, lumipat na siya ng tirahan para hindi na siya mahanap talaga nu’ng lalaki!” kumpleto at detalyadong kuwento ng impormante.
Sa pagiging visible uli ng female personality ay ibang-iba na talaga ang itsura niya. Binago talaga ng siyensiya ang buong mukha niya. Pati ang kanyang katawan ay dumaan din sa matinding proseso.
Kuwento uli ng aming source, “Nagbago na rin ang taste niya, pang-foreigner na ang drama niya, ayaw na niya sa mga Pinoy! I’m sure, inis na inis din sa kanya ang ex niya.
“Ang tawag sa kanya ng mga taong tumulong nang wagas sa kanya nu’n, e, ipinaglihi siya sa manggang maasim. Manggagamit siya, matinding user!
“Madali lang hulaan kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, isa lang ang clue—nakatali na ang heart niya!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.