Robin nagbabala sa bossing ng ABS-CBN: Doon tayo sa isyu, wag daanin sa drama | Bandera

Robin nagbabala sa bossing ng ABS-CBN: Doon tayo sa isyu, wag daanin sa drama

Alex Brosas - February 17, 2020 - 12:10 AM


SINAGOT ni Robin Padilla ang ABS-CBN executive na si Ms. Ethel Manaloto-Espiritu who thought na sana ay tinulungan ng aktor ang workers ng Dos kung may napansin siyang pagkakamali.

Sa sagot ni Robin, nadamay pa ang isang executive ng network.

“God is great! Mam sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga abs cbn batid nila ang aking pagtulong sa mga empleado nito lalo sa pangbili ng gamot, libing ng patay, utang na hindi mabayaran, papaopera ng anak na may butas sa puso etc etc.

“Mam ethel pakitanong mo sa set ng Sana Dalawa Ang Puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non regular employees ng abscbn walang iba kundi si mam gina lopez mahigit isang oras kami nag usap pati ang patungkol sa housing ng mga non regular employees.

“At sayo mam Rocky Ubana batid ba ng mga boss mo sa abscbn na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng DOLE na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo?

“Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag usapan dahil magrenew ng franchise ang abscbn ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kaniyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground.

“Ganon po talaga mga mam ang negosasyon sa mga multi billion companies na may labor issue hindi ko naman po yan imbento may mga kaso po sa korte patungkol sa mga empleado ng abscbn at patungkol naman sa mga artista na kamag anak ko maraming salamat po sa trabaho na naibigay niyo sa kanila Praise God pero hindi po sila ako at ako ay hindi sila may sarili silang mga isip at buhay they can join you in bashing me its their right.

“I will be forever thankful to abscbn and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor yun ang harapin natin wag natin daanin sa drama i already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon.”

That was Robin’s aria which drew reactions from netizens.

“Sana kung di man marenew ang abs cbn dahil sa pinalala mo ang sitwasyon sana ikaw mismo maghanap ng trabaho para sa halos 11,000 na employee ng network.”

“Wala naman sigurong network ang perpekto ang point kulang ay matagal mo naman palang alam ang ganyang nangyayari sana nakipag ugnayan ka sa DOLE para masolve agad bakit hinintay mo pa at sinabay mo pa ngayon alam mo naman mainit ang mata ng gobyerno sa abs cbn lalo na ang president.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending